Madilim
Sweetblues025
Kung aaminin ko ba ay makakawala
Sa pagkaka-kulong sa masikip na hawla
Sapat na ba ang maging malaya
Upang ako ay muling lumigaya?
Basag na salamin, sugat sa palad ko ang dulot
Gusto kong maibalik, isa-isang pinulot
Ngunit hindi ko mabuo kahit anong pilit
Duguan ang kamay pati ang puso kong makulit
Mga pilat ko'y nawala na parang bula
Paano nangyari kung ang sugat ko'y sariwa pa?
Sa panlabas ito'y maayos at makinis
Pero kung makikita, puso'y sugatang labis
4-18-2015
09:36
————————-
AN: Nagbabalik ang inyong lingkod..well, sort of.
lumang poem na in-edit ko lang, haha. madilim nanaman itey ^^
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry