KAIBIGAN, Oo ikaw nga!

175 13 4
                                    

KAIBIGAN, Oo ikaw nga!

Sweetblues025

Ito’y tula na para talaga sa inyo

Hindi ko alam anong sasabihin

Teka huhugutin ko  muna sa puso ko

Sobrang tamis, kayo’y lalanggamin

Salamat sa mga ngiting inihandog

Sa mga oras na sa akin ay inilaan

Sa payo kapag ang puso ko’y durog

Sa mga utang na hindi pa nababayaran

Biro ko’y bulok tumatawa pa rin kayo

Hindi ko alam kung kayo ba’y uto-uto

Inaaway man minsan, hindi kayo lumayo

Awayin man, mananatili ako pangako

Sa simpleng paraan araw ko’y binuo

Kaya naman nakangiti maghapon

Paano nalang kapag wala kayo?

Baka matagal na nila akong tinapon

Salamat, Salamat, Salamat,

Kahit gaano karami ay kulang

Walang salita ang sasapat

Kaya ito’y ipadarama nalang ^^,

********************

AN: sa mga bumati at gumawa sa akin ng tula eto po'y para sa inyo

para sa lahat ng kaibigan ko ^____^

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon