(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
"Ina!" Hinabol niya ang papel ngunit di namalayan ng bata ang paparating na sasakyan.
"Lira!"
"Pasensya ka na talaga Boss. Hindi ko rin alam kung paano nakapasok yung mga magnanakaw." Ang sambit ni Rael habang minamaneho ang sasakyan.
"Sa lahat ng nakuha nila ... ang plauta ang pinakamahalaga, ang mga Mulawin ay sumasagot sa plautang iyon." Pag-aalala ni Enuo. Nagulat ang dalawa nang may isang bata na biglang tumawid sa daan. Agad na inihinto ni Rael ang kotse. Nakita ni Enuo na biglang naglaho ang bata.
"Ivictus? Diwata?" Bumaba ang dalawa at nakita muli ang bata sa gilid ng daan kasama ng isang lalaki.
"Diwata?" Lumapit siya at tinanong ang dalawa.
"Sino ka?" Hindi maialis kay Ybrahim ang kaba na naramdaman niya sa kanyang nasaksihan. Mabuti na lamang at nagawang magamit ni Lira ang kanyang kapangyarihan.
"Avisala. Hindi ako kaaway. Huwag kayong mabahala." Sagot ni Enuo sa wikang Enchan.
"Paano ko mababatid kung isa ka ngang kaibigan o kaaway..." Nakatago si Lira sa kanyang likuran.
"Huwag kayong matakot. Ako si Enuo at siya naman si Rael, kami ay mga Sapiryan." Biglang nagpakita si Muyak sa lahat.
"Tama ba ang aking narinig ...ikaw si Enuo?"
"Ako nga lambana."
"Kung totoo nga ang sinasabi mo na ikaw si Enuo, ikaw ang Sapiryan na tumulong kay sanggre Amihan." Tinignan ni Ybrahim ang lalaki at ang kanyang kasama.
"Oo, ako ang nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang ... ngunit sa tingin ko ay hindi ito ang tamang lugar upang isalaysay natin ang ating mga kwento sa isa't isa. Sumama kayo sa amin." Hindi pa rin kumikilos si Ybrahim. Tinanong niya ang lambana.
"Nakasisiguro ka ba Muyak?" Hinawakan niya ang takot na takot na si Lira.
"Oo Ybrahim." Naawa siya sa kalagayan ni Lira kaya naman pumayag siya na sumama sa dalawa.
.
.
.
.
.
"Avisala eshma." Inabot ni Rael ang bendahe kay Ybrahim. Hindi niya namalayan ang kanyang sugat sa ulo mula sa kaguluhan sa minahan. Hindi na nagawang pagalingin ni Ybrahim ang sarili dahil na rin sa pag-aalala kay Lira.
Agad na dinala ng mga Sapiryan sa kanilang tinitirhan ang mag-ama at si Muyak. Isinalaysay ni Ybrahim ang mga pangyayari sa dalawa.
"Kung ganoon, maari kayong dumito sa aking bahay." Winika ni Enuo. "Lalo na at kasama niyo pala ang isang diwani."
"Salamat. Kung hindi niyo mamasamain,nais kong malaman kung paano kayo nakarating dito sa mundo ng mga tao." Nagbakasakali si Ybrahim.
"Lagusan ng pagkaligaw, diyan kami dumaan. Iyan ang tawag sa pangalawang daan na nakakatawid sa Encantadia at sa mundong ito." Tugon ni Enuo.
"Saan ang lagusan na iyong sinasabi?" Nabigyan ng pag-asa ang puso ni Ybrahim. "Sa aking pagkakatanda, wala akong maalala na ganyang lagusan sa mga aklat o sa mapa ng Encantadia."
"Dahil wala siya sa mapa ng Encantadia. Aksidente ko lang ito nahanap noong naglalakbay ako sa hilaga ng Sapiro nang tawirin ko ang lagusan na iyon nang hindi ko namamalayan."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...