Avisala!
Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento?
Story timeline:
ANG SIMULA
Book 1...
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
"Si ashti Danaya po? Ay si tatay ... kasama niyo po ba sila?"
"Hindi, ngunit matutuwa sila pagkat nahanap na kita anak. Kaya iuuwi na kita sa kuta. Kaya halika na." Muli niyang niyakap ang kanyang anak.
SA SAPIRO
"Lira?!" Nagulat si Danaya. Hindi siya maaring magkamali sa kanyang nakikita, kasama na ng kanyang kapatid ang kanyang hadiya.
"Ashti!" Tumakbo papalapit sa sanggre ang diwani. Hinagkan siya nito nang mahigpit.
"Grabe, ashti sobrang sungit mo ... pero sobrang namiss din kita." Ang biro ni Lira.
"Payakap nga ulit." Winika ng kaniyang hadiya.
Sa hindi kalayuan, napansin ni Ybrahim na tila ba may pagtitipon malapit sa bungad ng kuta, agad siyang pumunta upang siyasatin ang nagaganap. Laking gulat niya nang makita niya ang kanyang anak.
"Lira?" Ang sambit niya. Lumingon ang diwani.
"Tay? Tatay!" Walang atubiling tumakbo si Lira kay Ybrahim at niyakap siya nang mahigpit.
Masaya silang pinagmamasdan ng reyna. Kitang kita sa mukha ni Amihan ang galak at lubos na kasiyahan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Grabe Tay, iba yata ang tubig dito ... lalo kang pumogi ah." Ang lambing ni Lira habang yakap-yakap ang kanyang ama.
Tumawa ang rehav. "Ikaw nga talaga yan anak." Labis ang kanyang pagpapasalamat sapagkat ligtas si Lira.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ang diwani ng isang pamilyar na tinig. "Hi ate Lira!" Tumingin siya at nakita niya ang isang bata.
"Pao Pao! Andito ka rin?" Lumapit siya at niyakap ito.
"Oo anak ... nabihag siya ng mga bandido at dinala dito sa ating mundo." Paliwanag ni Ybrahim.
Masayang nakamasid sa kanila ang iba pang mga encantado sa kuta.
"At sila naman ang iba nating mga kasama." Pagpapakilala ni Amihan.
"Avisala Lira." Hinanap ng diwani ang pinanggalingan ng boses.
"Hay!" Sa takot ay napaurong ang sanggre at nagtago sa likod ni Amihan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.