KABANATA 15 - BAGONG SIMULA

355 17 5
                                    

OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:

WALANG IWANAN BY MIKEE QUINTOS  (Awit ni Lira para kay Ybrahim)


(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)


Nakaraan

Tinignan ng rehav ang direksyon ng Lireo. "Sana ay nagtagumpay din sila." Sambit niya. Matapos ang ilang sandali ay nakaramdam ng panghihina ang prinsipe. Napaluhod si Ybrahim.

"Tatay!" Narinig ng rehav bago siya nawalan ng malay.




"Tatay! Tatay!" Paulit-ulit na sigaw ni Lira habang sinusubukang gisingin si Ybrahim. "Anong gagawin ko? ... anong gagawin ko?" Takot na takot ang diwani. Hinawakan niya ang mukha ng kanyang ama nang mapansin na maputla na ito. Malamig na rin ang balat ng rehav.

Ang tagapagmana ng Sapiro. Narinig ni Lira ang isang pamilyar na boses. Nakita niya na lumapit sa kanila ang sinaunang reyna ng mga diwata.

Mahaba pa ang kanyang kapalaran. Lumuhod si Cassiopeia at sinuri ang sugat ng rehav. Kailangan pa ng Encantadia si Ybrahim.

Matapos ang ilang sandali ay naglabas siya ng isang punyal. Sinugatan ng sinaunang reyna ang kanyang palad. Tanggapin mo ang aking dugoDugong may mahabang buhay. Sapul nang isinumpa ni Emre.

Itinapat niya ito sa sugat ng prinsipe.Dugong ibabahagi ko sa iyo.

Kita ang ang pagbabalik ng kulay sa mukha ni Ybrahim. Nakahinga nang maluwag ang diwani sa kanyang tabi.

Mabubuhay siya.

"Salamat po. Tita Cas, thank you po." Tuwang-tuwa si Lira.

Magtungo na kayo sa Lireo sapagkat nagtagumpay kayo. Biglang naglaho ang sinaunang reyna.

.

.

.

.

.

SA LIREO

"Hasne Ivo Live Encantadia!" Kita ni Amihan ang galak sa mukha ng kaniyang mga kasamahan. Sa wakas ay nabawi na rin nila ang kanilang tahanan.

Maya-maya ay biglang dumating si Lira sa bulwagan. Agad na lumapit si Amihan nang mapansin niya na kasama ng anak niya si Ybrahim ... ngunit walang malay ang rehav.

"Anong nangyari?" Pag-aalala ng reyna. Lumuhod siya at hinaplos ang mukha ng prinsipe.

"Bigla na lang pong nahimatay si tatay... hindi ko po alam nay. Pero buti na lang dumating po si tita Cas...si Cassiopeia po. Niligtas niya po si tatay." Paliwanag ni Lira.

"Dalhin ang rehav sa aking silid ngayon din." Utos ni Amihan.

.

.

.

.

.

Lumipas nga ang ilang araw ngunit walang pa ring malay ang prinsipe.

"Uy Tay gising na..." Bulong ni Lira. Pinagmamasdan niya ang kanyang ama. Kasama ng sanggre ang kanyang ina.

"Naalala mo yung ginawa nating song dati tay?" Ngumiti ang diwani. "Kantahin ko ha, para matulungan kang gumaling agad."

PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon