(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
PALIGID NG SAPIRO
"Kung sasanib kayo sa amin, hindi ko maipapangako na makukuha kaagad natin ang pagkapanalo at mapapabagsak natin ang mga naghahari-harian ngayon sa Lireo..." Pahayag ni Ybrahim.
Kasama si Aquil ay kasalukuyan silang nangangalap ng mga bagong kasapi. Ginagalugad nila ang kagubatan malapit sa Sapiro upang magbakasakali.
"Ngunit kung talagang mahal niyo ang lupaing ito. Makikipaglaban kayo kasama namin." Dagdag ng rehav habang nakikipag-usap sa mga Encantado.
"Sang-ayon ako." Agad na sumagot ang isa. "Isali niyo ako ngayon bilang isa sa inyo."
"Kami rin ng aking kapatid." Habol ng isang pang encantado. Sabay sabay rin na tumugon ng pakikiisa ang iba pa.
"Avisala eshma." Winika ni Ybrahim. "Kung ganoon ay kakausapin kayo ng aming mga kasama ukol sa iba pang bagay."
Lumapit sa rehav ang mashna ng Lireo. "Tulad ng isang pinuno, isang rehav." Hinawakan ni Aquil ang balikat ni Ybrahim.
"Ngunit sa totoo lang adto..." Seryosong sambit ng Sapiryan. "Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na tagapagmana ako ng isang kaharian..."
"Agape avi, Ybrahim." Tugon ni Aquil. "Sapagkat hindi ko agad ipinagbigay alam ang katotohanan..."
Umiling ang rehav. "Naisip ko rin kung iba ang naging takbo ng kapalaran ... malamang ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makilala si Amihan." Ngumiti si Ybrahim. "At alam kong ginawa mo iyon para sa aking kapakanan...kaya ako ay nagpapasalamat pa rin kuya Aquil."
.
.
.
.
.
SA KUTA
"Estasectu. Magtutuos tayo." Hawak ang kanyang sandata ay akmang hinahanda ni Lira ang kanyang sarili upang makipaglaban.
Itinaas niya ang kanyang espada upang hiwain ... ang isang paneya.
"Ah Lira..." Nagulat si Amihan sa nakita at nilapitan ang anak.
"Nay gagawa ako ng sandwich , gusto mo?" Niyaya ng diwani ang kanyang ina.
"Lira, ang sandatang ito ay ginagamit sa digmaan... hindi sa ganyang bagay." Paliwanag ng reyna sa kanyang anak.
"Sorry po nay..." Bahagyang nahiya ang sanggre.
Inalalayan ni Amihan ang kanyang anak sa paghawak nito ng armas. "Isipin mo na ang sandata mo ay bahagi ng iyong katawan at hininga, at susunod siya sa kung ano man ang nais mong gawin."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
Fiksi PenggemarAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...