(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Gabi-gabi ay binabalikan ni Muyak ang lagusan
"Mapagpalang mahal na lagusan patungong Encantadia. Ano at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nabubuksan? Parang awa mo na mahal na lagusan papasukin mo na kami. Maawa ka. Utang na loob papasukin mo na kami."
Gabi-gabi na hindi naglaon ay naging mga linggo, buwan at taon.
.
.
.
.
.
"Oh Lira, mamaya uulitin natin iyong ginawa natin kahapon." Ang turo ni Ybrahim habang hawak ang isang kuwaderno. "Yung enchan, bibigkasin mo isa-isa." Pinakita niya ang mga kataga sa bata. "Naalala mo ito? Kapag tinuro ko sabihin mo lang."
"A Ba Ka."
Huwag kang mag-alala Amihan dahil kahit nasa ibang mundo na kami ay hindi ko hahayaang makalimutan ni Lira ang aming pinanggalingan. Asahan mo na patuloy akong maghahanap ng paraan para makabalik kami sa Encantadia.
.
.
.
.
.
"Kabila! isa pa." Nagsasanay sa pakikipaglaban ang mag-ama gamit ang mga sandatang gawa sa kahoy.
"Oh." Biglang huminto si Lira. "Tay ayaw ko na po."
"Hindi pa tayo tapos Lira, isa pa." Tumakbo papasok ng kanilang bahay ang bata.
"Lira! Lira huwag mo akong tinataguan nang ganyan. Wala sa lahi natin ang umaatras sa laban. Lira." Lumabas muli ang bata.
"Tatay ayoko na po talaga. Napapagod na ako."
"Lira. Kung paiiralin mo ang pagod at katamaran ay wala ka talagang matututunan. Gayahin mo ako. Noong bago ako dito, wala akong alam. Pero inaral ko ang lahat ng iyan. Para mabuhay tayo dito. Nagtrabaho ako. Kaya tandaan mo." Tinitigan ni Ybrahim ang kanyang anak. "Kapag pursigido ay may mapapala ka talaga."
May kinuha si Ybrahim sa kanyang bulsa. "Lalo na kapag ikaw ay ..." Nakita ni Lira ang hawak na laruan ng ama. Tinangka niya itong kunin. "At may kasama rin na apple pie yan pero teka lang." Ngumiti siya sa bata. "Hindi pa tayo tapos sa pag-eensayo."
Sinubukan muli ng mag-ama. At pagkatapos nga noon ay magiliw na sinabi ni Lira. "Tatay..." habang nakabukas ang palad para sa laruan. "Yehey! Tay asan na yung apple pie?" at niyakap ang ama.
SA LIREO
"Ano anak nagustuhan mo ba?" Nagpahanda ang reyna ng makakain para sa kanyang anak. Isinama niya ang paboritong paneya ni Ybrahim.
"Salamat ina." Nakita niya na may agam-agam ang kanyang anak.
"Bakit Lira?"
"Hindi ko lang po talaga gusto ang lasa ng mansanas..." Tugon ng diwani.
.
.
.
.
.
SA MUNDO NG MGA TAO
"Hasne Ivo Live Lira! Maligayang kaarawan!" Binati nila Ybrahim at Muyak ang bata. Sinabayan ito ng mga maliliit na paputok na ginawa ni Muyak gamit ang kanyang kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanficAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...