OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:
KAILANGAN KITA (VERSION OF MOIRA DELA TORRE)
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
Aalis na sana ang reyna nang biglang nagsalita ang diwata. "Bumalik kayong dalawa ng rehav ng Sapiro dito sa oras na mailigtas niyo ang inyong anak ..."
SA KAGUBATAN
"Nais ko lamang kayong balaan pagkat nasa panganib kayo." Winika ng sinaunang reyna ng mga diwata. Matapos mailigtas si Lira ay agad na tumungo ang hara at rehav kay Cassiopeia.
"Lalo at kaagapay na muli ng inyong mga kaaway ang Bathalumang si Ether." Dagdag niya.
"Kung ganoon ano ang kailangan naming gawin?" Nakaramdam ng pangamba ang prinsipe nang marinig na nasa panganib ang kanyang mag-ina.
"Gamitin niyo ang susi ng lagusan. Pumaroon muna kayo sa mundo ng mga tao." Sagot ng diwata.
"Kung tunay ngang nasa panganib kami ... Tiyak na ganoon din ang Encantadia. May tungkulin akong pangalagaan ang Lireo at ang mga encantado." Sambit ni Amihan.
"At hindi niyo magagawa iyon kung magagapi kayo..." Tinitigan sila ni Cassiopeia.
.
.
.
.
.
SA LIREO
"Hindi nga't parang kailan lang nagbalik ang kapayapaan na ating tinatamasa ... may nakaamba na namang panganib sa atin." Malungkot na sambit ni Amihan.
"Ibibilin ko ang Sapiro sa aking mashna. Kapag nahanap nila si Ybarro ... siya muna ang tatayong tagapagmana ng kaharian." Winika ng rehav. "Kailangan nating magtungo sa mundo ng mga tao sa lalong madaling panahon." Dagdag niya.
"Ang tinuran mong kahilingan sa akin noong nakaraang digmaan, naaalala mo pa ba Ybrahim?" Nanatiling nakatalikod si Amihan sa prinsipe.
Tinitigan ni Ybrahim ang reyna. "Mangako ka sa akin Amihan ... ang kapakanan ni Lira ang mauuna, ano man ang mangyari sa akin ... alagaan mo siya."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...