OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:
TADHANA (ENCANTADIA WAR THEME SONG)
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
"Mahal na reyna, mga vidalje (kalaban)." Ulat ni Muros pagkatapos niyang sumilip sa largabista.
"Nandito na sila." Tugon ni Amihan. Nasa harapan sila ng kanilang hukbo.
"Nakahanda na ang unang hanay ng depensa sakaling sumalakay sila." Pahayag ni Aquil. Agad namang nagdasal si Lira pagkarinig niya ng mga salitang iyon.
"Magaling Aquil at natutuwa din ako na naiwaksi mo ang iyong agam-agam tungkol sa magaganap na sagupaan." Winika ni Danaya.
"Avisala eshma mahal na sanggre. Hindi ko matitiis na mawalay nang matagal sa tabi mo." Sabay-sabay na napatingin ang rehav, reyna at diwani sa dalawa.
"Digmaan na nga...humugot ka pa tito." Sambit ni Lira.
"Muros , Aquil ihanda na ang takda at hudyat sa lahat." Utos ni Ybrahim.
.
.
.
.
.
PANIG NG MGA HATHOR
"Agane, ano ang iyong ulat?" Tanong ni Hagorn.
"Naghihintay na sila sa baybayin. Hindi nila nais na tayo ay makalapit sa Sapiro." Sagot ng hathor.
"Kailangan nating maghati ng dalawang pangkat. Magtalaga kayo ng mga iikot at sasalakay mula sa likod." Plano ng hari.
"Masusunod panginoon."
Gamit ang kanyang ivictus, biglang nagpakita si sanggre Pirena.
"Kamuntikan mo nang hindi masaksihan ang pagkagapi ng iyong mga kapatid." Kinausap siya ni Hagorn.
"Hindi mangyayari iyon." Sagot ng sanggre. "Ngunit ako mismo ay nagulat nang malaman ko ang magaganap na sagupaan."
"Ilang araw ka rin na nawala ... sa aking pakiwari ay nagtagumpay ka sa iyong misyon."
"Nahanap ko sila." Tinignan ni Pirena ang hukbo ng mga kalaban. "Nakahanda na ang isang mainam na regalo para sa kanilang luntaie (tagapagligtas)." Ngumiti si Hagorn.
"Patunugin ang lantaw!" Sigaw ng hari. "Ipaalam sa mga kalaban na nandirito na tayo." Narinig ng lahat ang dagundong nito. "Tandaan niyo, walang ititirang buhay, lahat ay papaslangin."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanficAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...