KABANATA 5 - ANG KATOTOHANAN

286 11 0
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

LIREO (ILANG ARAW ANG NAKAKALIPAS)

"Ina, hindi mo na ako kailangang iligtas...Dahil hindi ako ang tunay mong anak." Sigaw ni Lira habang hawak-hawak siya ni Gurna.

"Ssheda Lira." Sambit ni Pirena.

"Hindi ako ang tunay na Lira. Pagkat ako ang tunay na anak ni Pirena." Tumatangis ang diwani.

"Ano ang sabi mo?" Hindi makapaniwala si Amihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ang sabi mo?" Hindi makapaniwala si Amihan. "Lira, anong pinagsasabi mo anak? Hindi ngayon ang tamang panahon para magbiro." Umiiyak si Amihan.

"Hindi ako nagbibiro ina. Hindi mo na dapat inurong ang ginawa mo kanina." Bumubuhos ang luha ni Lira. "Pagkat hindi ako karapat-dapat na iligtas mo. Dahil ako ay anak ng isang taksil!" Sinigaw niya.

"Ssheda!" Sagot ni Pirena.

"Hindi ako ang tunay na Lira... pagkat ipinalit ako ni Pirena sa tunay mong anak." Hindi makapagsalita ang reyna. Bumalik sa isipan ni Amihan ang mga sandali na tila ba ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman tungkol sa anak.

"Totoo ba ito Pirena?"

"Oo Amihan. Ang Lira na iyong kinikilala ang totoong kong anak pagkat ang iyong tunay na anak ay inilayo ko na at pinaslang.Kaya't ang sanggol na pinalaki at inalagaan mo ay si Mira.Ang aking tunay na anak."

"Hayop ka!" Dinig ang pighati sa boses ng reyna. "Napakasama mo! Kapatid kita Pirena ... mas masahol ka pa sa ahas! Ngayon alam mo na kung bakit hindi ka pinili ng ating ina."

"Tumahimik ka!" At tuluyang nagtama ang kapangyarihan ng dalawa. 

Marahil ay dahil sa sama ng loob kaya nagapi ni Pirena si Amihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marahil ay dahil sa sama ng loob kaya nagapi ni Pirena si Amihan. Nakatakas ang sugatang reyna kasama si Imaw gamit ang ivictus.

SA LABAS NG PALASYO

"Mahal na reyna. Nagdurugo kayo...may sugat kayo." Pag-aalala ni Imaw.

"Balewala ang aking mga sugat Imaw. Mas masakit ang saksak sa aking puso." Tumatangis ang reyna. "Paano ako nagawang linlangin ni Pirena. Paano niya nagawa sa akin ito?!" Ang sigaw niya. "Paano...kapatid ko si Pirena! Ano ang ginawa niya sa aking anak. Nasaan si Lira?! Ano ba ang kasalanan ko kay Pirena?!" Hindi matigil ang kanyang luha.

PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon