KABANATA 9 - ANG REHAV AT ANG HARA

400 15 3
                                    

OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:

 A THOUSAND YEARS PART 2 (CHRISTINA PERRIE FT. STEVE KAZEE)


(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)



SA PALASYO NG SAPIRO 

"Bakit ako pinapunta ng makapangyarihang Encantadang iyon dito?" Ilang araw na ring sinisiyasat ni Ybrahim ang bawat sulok ng palasyo.

"Anong kapalaran ba ang naghihintay sa akin sa gumuhong kaharian na ito?" Bumalik sa kanyang gunita ang kanyang mag-ina. "Hindi na ako maaring maghintay pa nang matagal." 

Nagulat si Ybrahim nang napalitan ng liwanag ang karimlan ng palasyo. Isa-isang nagka-apoy ang mga sulo.

"Sino ang nandyan?" Pinagmasdan niya ang paligid at binunot ang kanyang espada. "Magpakita ka!" 

Biglang bumukas ang isang lagusan sa isang yungib.

"Ybrahim..." Nakarinig siya ng tinig.

"Sino ka?" Unti-unting lumapit ang isang encantado sa kanya. 

"Ano ang sinasabi ng iyong puso?" Isang lalaki ang tumambad sa kanyang harapan. Magara ang kasuotan nito at tila ba pamilyar kay Ybrahim. "Ako ang iyong ama."

Hindi makapaniwala ang rehav. "Ama." Nilapitan niya ang hari at hinagkan.

"Ngunit ama..." Pagtataka ni Ybrahim. "Papaano kayo napunta rito?"

"May mga sikreto at misteryo na malalaman mo lang pagdating ng panahon." Ipinakita sa kanya ni Haring Armeo ang isang kalasag. "At ang kalasag na iyan ay pagmamay-ari ng ating lahi na pinamamana ko na sa iyo. " Namangha ang rehav sa kanyang nakita."Upang kasiyahan ka ng ating mga ninuno sa gagawin mong pagbubuong muli ng ating kaharian." Hinawakan ni Ybrahim ang kalasag.

"Hindi madali ang iyong gagawin kaya't asahan mong palagi akong maninirahan dito." Itinuro ng kanyang ama ang kanyang puso. "Upang maramdaman mo na hindi ka nag-iisa."

"Salamat ama." Kinuha ni Ybrahim ang kalasag. "Humayo ka at pumunta sa Lireo, Ybrahim. Kailangan ka ng reyna." 

Lumingon ang rehav ngunit nawala na si Haring Armeo. 

"Ama? Ama?"

.

.

.

.

.

Hindi ito ang Lireo sa alaala ni Ybrahim. Ang Lireo na kanyang natatanaw ngayon ay napalilibutan ng mga kahindik hindik na nilalang, maski sa himpapawid. Kulay pula ang kalangitan at kitang-kita rin ang mga nakawagayway na simbolo ng Hathoria. Punong-puno ng mga Hathor ang kaharian ng mga diwata.

Tinignan niya ang gilid ng palasyo. Iniwasan niya ang mga nagbabantay at sinimulang akyatin ang pader.




Nang makaakyat siya malapit sa bulwagan ay dinaluhong niya ang mga bantay.

Nang makaakyat siya malapit sa bulwagan ay dinaluhong niya ang mga bantay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon