(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
"Agane."
"Panginoon." Nagbigay galang ang hathor.
"Ihanda ang hukbo. Sasalakayin natin ang mga kaaway."
SA PALASYO NG SAPIRO
"May binubulong ang hangin." Naramdaman ni Amihan ang pag-ihip ng malakas na hangin.
"Halika Lira..." Hinila niya ang kanyang anak. "Ano po yun inay?" Nagtungo sila sa bulwagan.
"Mga kasama." Lumapit ang mga encantado. "May binubulong ang hangin. Ibinabadya niya na may paparating na panganib...Kailangan nating maghanda."
"Paumanhin mahal na reyna, sa ngayon ay hindi pa natin kayang talunin ang kanilang bilang. Handa na po ba natin silang harapin?" Tanong ni Aquil.
"Oo, may point si tito." Pag-aalala ni Lira. "Ay nako, makikita ko na naman yung Hagorn. Napatay na niya ako noon di ba ashti Danaya?"
"Anong sinabi mo anak? Napaslang ka na ni Hagorn?" Nagulat si Amihan. Tinignan ng reyna at rehav si Danaya.
"Mahabang salaysayin." Sagot ng sanggre.
"Ngunit hindi rin mainam na habang panahon ay magtatago at tatakas na lang tayo sa kanya. Dahil patuloy lang din nila tayong hahanapin na parang pashneang kakatayin." Winika ni Ybrahim.
"Kung ano ang pasya ni Amihan, ay iyon ang kakatigan ko. Kaya't anong nais mong mangyari, Hara?" Tugon ni Danaya.
Tinignan ng reyna ang kanyang mga kasama."Manatili na lamang sa Sapiro ang mga ayaw lumaban at natatakot para sa kanilang buhay."
"Ngunit ang mga nais magtanggol ng ating ipinaglalaban, makakasama niyo ako." Ipinagpatuloy niya. "Lalabanan natin ang ating mga kaaway at ipapakita natin sa kanila na kahit kaunti tayo ay hindi tayo magpapasakop kahit kanino." Humanga si Lira sa katapangan ng kanyang ina.
"Isa pa ... ibig kong gawin niyo ito hindi para sa akin. Hindi rin para sa Lireo, kung hindi para sa Encantadia."
"Maghanda ang sino mang matapang at nais lumaban. Huwag dalhin dito sa Sapiro ang labanan. Sa baybayin natin sila harapin." Pahayag ni Danaya
"Tama. Sila man ang lamang sa bilang, mas alam naman natin ang lupain dito." Sambit ni Ybrahim."Isa pa ... sa pagkakataon na ito, maari rin na mabawi natin ang Lireo sa kanila."
"Ang Lireo?" Tanong ng reyna.
"Oo."
.
.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanficAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...