(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
"Tayo ay hihingi ng tulong." Inilabas ni Ybrahim ang dalang plauta at kanyang pinatugtog.
"Kailangan natin ang tulong ng mga Mulawin. Tinawag ko sila." Winika ni Ybrahim matapos tugtugin ang plauta.
"Mulawin , ano yun Tay?" Nagtaka si Lira.
"Isang nilalang na gaya rin natin ang wangis ngunit sila ay may pakpak gaya ng isang ibon." Sinagot ni Danaya.
"Wow half bird, half human." Namangha si Lira."May ganun din nakakaloka, pero ang galing na-information overload ako."
Biglang umihip ang malakas na hangin. "Narito na siya. May nakarinig sa aking panawagan." Bulong ni Ybrahim.
Napatingala ang lahat nang kanilang naaninag ang isang lumilipad na nilalang. Dahan dahan itong lumapag malapit sa kanila.
"Wow half bird, half human nga." Hindi maalis ni Lira ang kanyang mga mata sa Mulawin.
Lumapit si Ybrahim sa nilalang. "Nagbago man ang iyong wangis. Ngunit ikaw ang nagligtas sa akin noon. Natatandaan ko ang iyong mukha." Saglit naman na kinuha ng batang sanggre ang kanyang cellphone at nagsimulang kumuha ng larawan at selfie.
"Saan mo nakuha ang plautang hawak mo encantado? Bakit mo iyan ginamit at ano ang kailangan mo sa akin?" Sumagot ang Mulawin.
"Kailangan namin ng iyong tulong." Pakiusap ni Ybrahim."Kailangan naming makabalik sa Encantadia. Lalo at may kutob ako na may hindi magandang nangyayari doon. Ngunit hindi kami maaring makapasok sa lagusang nalalaman namin."
"Dahil wala kayong susi upang mabuksan ang lagusan." Sambit ng Mulawin. "Marahil ay wala kayong kakayahan bumihag ng isang tao. Para mabuksan ang lagusang ito, tama ba?"
"Korek ka dyan." Napabuntong hininga ang diwani. "Lira nga po pala." Nginitian siya ng Mulawin.
"Tay, ashti... in fairness ang pogi niya ah. Tas may dimple din gaya mo tay."
"Ssheda." Pinagsabihan ni Danaya ang kaniyang hadiya. Humarap ang sanggre sa Mulawin. "Hindi namin alam paano makakabalik pa sa Encantadia." Pahayag ni Danaya.
"Lakan. Lakan ang itawag niyo sa akin." Kinamayan siya ni Ybrahim at ni Danaya.
"Ako din, ako din." Ang habol ni Lira.
"Tinawag ka namin Lakan upang humingi ng saklolo sa iyo. Lalo at may nakapagsabi sa akin na kayo lang ang mga nilalang na nakakapasok sa encantadia na hindi dumadaan sa dalawang lagusan." Nagpaliwanag si Ybrahim.
"Dahil mayroon kaming ibang daan patungo roon." Tumingin si Lakan sa kalangitan.
"Saan iyon?" Nakita ni Lira na nakatingala ang Mulawin. "Sa taas?! Lilipad tayo?! Tay, ashti di natin kayang lumipad, wala tayong pakpak." Gulat na sagot ng diwani.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
Hayran KurguAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...