(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
Si Amihan ay ligtas. Kasama ang mga diwata at mga mandirigmang matatapat sa kanya.
"Ngunit nasaan sila?"
"Hindi pa nararapat na sila ay inyong makasama Danaya. Dahil ikaw at si Lira ay may kailangan pang patunguhan."
"Mahal na reyna..." Nilapitan ng kawal si Amihan. Kasalukuyan silang nasa kuta kasama ang mga nakaligtas na mamamayan ng Lireo at ang iba pang mga kawal na tapat sa reyna.
"Malugod pong balita kamahalan, mayroon po akong kasama." Tumayo at lumapit si Amihan.
"Danaya..." Hindi makapaniwala ang Hara sa kanyang nakita.
"Mahal na reyna." Bati ng kanyang kapatid. Kita sa mukha ni Danaya ang galak.
Lumapit ang reyna at hinawakan ang kamay ng sanggre. Dahan-dahang lumuhod si Amihan sa harap ng kapatid.
"Mahal na reyna anong ginagawa niyo?" Nagulat si Danaya.
"Patawarin mo ako Danaya at napakarami kong kasalanan sa iyo. Patawarin mo ako at nagpalason ako kay Pirena kaysa naniwala ako sa iyo." Hindi na napigilan ni Danaya ang kanyang luha sa mga narinig na salita mula sa reyna.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin Amihan. Pagkat alam mong simula pa lamang ay hindi magtatagal ang galit ko sa iyo." Niyakap niya ang kanyang kapatid.
"Hasne Ivo Live Sanggre Danaya!" Ang sigaw ng mga kawal.
Tumayo ang dalawa. "Salamat at nagbalik ka na sa Encantadia, Danaya."
"Nagbalik ako upang dalhin sa iyo ang magandang balita na nakilala ko sa mundo ng mga tao si Lira, ang iyong tunay na anak ... at siya ay inalagaan doon ni Muyak at ... ni Ybrahim."
Hindi makapagsalita si Amihan kaya tinuloy ni Danaya ang kanyang salaysay.
"Iniligtas nila Ybrahim at Muyak ang iyong anak noon sa masamang tangka ng ating kapatid. Sa kasamaang palad ay tuluyan silang naiwan sa mundo ng mga tao noong isinara ni Pirena ang lagusan."
"Kaya pala hindi natin sila mahanap..." Bulong ng reyna. Bigla itong napalitan ng galak at pagkasabik.
"Kung ganoon... nasaan na sila? ang aking mag-ama? gusto ko silang makita Danaya. Kasama niyo ba sila?" Tinignan ng reyna ang paligid, hinahanap niya ang mga kasama ng kanyang kapatid.
"Magkakasama kami patungo dito sa Encantadia. Si Ybrahim ay binigyan ng misyon ni Cassiopeia, marahil...kahit papaano ay mabuti ang kalagayan niya ... ngunit..." Napahinto si Danaya.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...