(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nakaraan
"Malaman ang ano?" Narinig ni Lira ang boses ni Ybrahim. Nakabalik na ang kanyang ama matapos ang ilang mga araw. Napalingon din si Danaya.
"Tay!"
"Ybrahim?"
"Danaya?"
"Tatay, si ashti Danaya." Tuwang-tuwa si Lira.
"Danaya .... Danaya ikaw nga ba iyan?" Gulat na gulat si Ybrahim. Lumapit siya sa sanggre.
"Paanong ... narito ka rin Ybrahim?"
"Oo sanggre Danaya." Ipinaliwanag ni Muyak. "Kasabay namin siyang dumaan sa lagusan noong dalhin ni sanggre Pirena si Lira dito sa mundo ng mga tao.Tinangka niyang pigilan ang masamang hangarin ng iyong kapatid ngunit kaming tatlo ay tuluyang naiwan dito noong isara ni Pirena ang lagusan mula Encantadia."
Napangiti si Danaya. "Mabuti at kahit papaano ay kasama ka nila..." Ngunit biglang lumungkot ang tinig ng sanggre. "Matagal ka nang hinihintay ng aking kapatid Ybrahim."
"Tay ... kailangan na tayo ni nanay." Niyakap siya ng kanyang anak.
"Mukhang batid mo rin na anak mo si Lira." Tinignan ng sanggre ang mag-ama.
"Sinubukan kong bumalik kaagad ng Lireo Danaya... ang aking panaginip, alam ko kung ano ang ipinahiwatig noon..." Tinignan ni Ybrahim si Muyak. "At sinabi rin sa akin ni Muyak na narinig niya mismo na sinabi ito ni Amihan."
"Nalulugod ako na lumaki ang aking hadiya kasama kayo."
"Paano ka nga pala nakarating dito? At kamusta na ang Lireo? Si Amihan?" Sabik na sabik si Ybrahim na makarinig ng balita mula sa kanilang mundo.
"Dahil sa pakana ni Pirena, pinatapon ako dito ng konseho ng mga diwata bilang kaparusahan sa isang bagay na hindi ko ginawa."
"Kung ganoon ay si Alena na lamang ang naiwan sa tabi ni Amihan sa Lireo..."
"Sa kasamaang palad ay nawawala si Alena. Hindi ko rin alam kung buhay pa ang aking edea." Naalala ni Danaya ang mga panahon na dinamayan sila ni Pirena sa kanilang kalungkutan dahil sa nangyari kay Alena. Pakana lamang pala niya lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...