OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:
PART 1 (SA SAPIRO) SAY SOMETHING (GnuS Cello Version)
PART 2 (SA SAPIRO) MAGHIHINTAY (BY CHRISTIAN BAUTISTA AND GABBI GARCIA)
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
SA LIREO (ILANG ARAW ANG NAKAKALIPAS)
"Pangalagaan niyo nang maiigi ang kaharian habang wala ako." Sambit ni Sanggre Danaya kina Aquil at Muros. Tinatahak nila ang daan patungo sa puno ng Asnamon.
"Masusunod mahal na sanggre." Tugon ng mashna.
"Mabuti na lamang at hindi itinago ni Pirena ang susi." Pinagmasdan ni Danaya ang pulseras. "At ngayong payapa na ulit, maari ko nang balikan sina Muyak upang malaman ang nangyari sa aking edea."
"Sanggre Danaya!" Nakarinig sila ng tinig. "Sanggre Danaya!"
Hinanap nila ang pinanggagalingan ng boses. "Muyak?"
"Nagagalak ako at nakita ko kayo." Lumipad ang lambana malapit sa kanila.
"Muyak ... ikaw nga. Papaano ka nakarating dito?" Pagtataka ni Danaya.
"Nang iwan niyo ako ni sanggre Lira sa mundo ng mga tao, ipinagpatuloy namin ni Enuo ang paghahanap kay sanggre Alena." Inilahad ng lambana. "Sa tulong ng kanyang tagasilbing si Rael, nalaman namin na nadakip si Alena ng mga bandido."
Ipinagpatuloy ni Muyak. "Nakita ko si Hitano sa ikalawang lagusan at sinundan ko siya. Nalaman ko na nakatakas si sanggre Alena sa mga bandido ngunit ako naman ang nahuli nila."
"Kailangan na talaga nating magawan ng paraan ang suliranin tungkol sa mga bandido..." Sambit ni Danaya. "Ngunit ako ay lubos na nagpapasalamat dahil nakatakas ka sa kanila."
Napagtanto ng sanggre."Kung ganoon ay matagal nang nakabalik si Alena sa Encantadia."
.
.
.
.
.
SA SAPIRO (KASALUKUYAN)
"Pwedeng pwede na magwalk-in tour dito." Tuwang tuwa si Lira sa paglibot sa palasyo kasama ng kanyang mga magulang.
"Marahil ay napapanahon na para kayo ay hirangin bilang Rama...at kasabay noon ang pagkakaroon ng tagapagmana upang mapagtibay ang iyong pamumuno... tagapagmana at reyna."
"Kanina ka pa tahimik Ybrahim, may bumabagabag ba sa iyo?" Narinig ng rehav ang boses ni Amihan. Hindi maalis sa isip ng prinsipe ang mga salitang binitiwan ng kanyang mashna.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)
ФанфикAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Story timeline: ANG SIMULA Book 1...