KABANATA 4 - MGA SANGGRE SA MUNDO NG MGA TAO

305 11 0
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

"Tay tara na! Baka malate na tayo! Di ba sasamahan natin si tito Rael, may aayusin pa tayo para dun sa charity event." Sigaw ni Lira. 

Lumipas pa ang ilang taon. Patuloy pa rin ang paghahanap ni Ybrahim sa plauta.

"Kasama ba si Anthony?" Mahigpit ang kanyang tinig. "Mayroon ba akong kailangang malaman tungkol sa inyong dalawa ... kayo ba ay nagkakamabutihan na?" Tinignan niya ang kanyang anak. Sadya ngang napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ay kalong kalong niya ang sanggol na si Lira. Ngayon ay malaki na ang kanyang anak.

"Grabe naman Tay, protective much! friends lang kami nun pramis!" Niyakap siya ng kanyang anak.

"Mag-iingat kayo Sanggre Lira." Binati sila ni Muyak.

"Salamat Muyak!" Biro ni Lira. "Alam mo naman kailangan kong protektahan itong si tatay. Iba rin ang magic ng dimples nya! Baka mamaya may umaaligid na tapos naglalandi sa kanya." Tumawa si Ybrahim. "Naku tay hindi ko hahayaan masira yung relationship goals niyo ni nanay." Napangiti rin ang lambana.

.

.

.

.

.

 Nakaraan

"Oras na para sa leksyon mo."

"Tay..." ang malungkot na tanong ni Lira. "Bakit po ganun itay? Bakit hindi niyo ako pinag-aaral sa normal na eskwelahan?"

"Dahil iba ka sa kanila." Tugon ni Ybrahim. "Dahil iba kang bata. Naaalala mo ba ang nangyari dati? Hindi ko nais na masaktan ka anak. Maari kasi na kapag may nakaalam ng kapangyarihan mo ay malagay ang buhay mo sa panganib." Nilapitan niya si Lira. "At lahat nang kailangan mong malaman ay sa akin mo lang matututunan."

"Gaya po ng pag-eespada at pagsasalita ng Enchan?" Hindi pa rin maitago sa boses ng bata ang kalungkutan.

.

.

.

.

.

"Tila malungkot si Lira?" Katatapos lamang nila kumain ng hapunan.

"Tila malungkot si Lira?" Katatapos lamang nila kumain ng hapunan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nais niyang pumasok sa paaralan dito sa mundo ng mga tao." Sinagot ni Ybrahim si Enuo.

"Kung tutuusin maganda rin na kahit papaano ay hindi siya maging ignorante sa mundong ito Ybrahim."

"Ngunit alam mo naman ang panganib na dulot nito, lalo na kung may makaalam ng kaniyang kapangyarihan. Nais ko lamang maging ligtas ang aking anak." Tinignan niya ang Sapiryan.

PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon