Chapter 2

164 9 0
                                    

Chapter 2



Pagkamulat ko sa aking mata. Puro puti lang ang una akong nakita. Hinang hina akong igalawa ang ulo ko itagilid iyon. Nang mahimasmasan ako ay tsaka ko naalala ang mga huling nangyare saamin ni Zane! That dork! Halos nagmamadali akong  bumangon sa pagakakahiga ko sa hospital bed. Pagkabangon ko ay agad kong dinama ang kumikirot kong ulo at kumakalam na sikmura.  



Sobrang sakit ng tiyan ko! Doon ko din naalala na sinikmuraan pala nga pala ako ni Zane doon! Naginit ang mata ko at naluha.



Anong nangyare? Nasan si Zane? sino'ng tumulong sakin? Bago pa man ako mag breakdown dito ay nakita kong pumasok ang mga kuya ko kasama ang pamilyar na lalaki. Kumunot ang noo ko nang makilala siya.



"Oh my god! Shanon, are you okay? Nurse!" si Tita Ava ay nasa aking harapan ang biological mother nila kuya. Ngayon ko lang din napansin na nandito din pala sila daddy sa loob ng kwarto. Lahat sila ay bakas ang pag aalala saakin. Agad kong pinahid ang luha na tumakas sa mata ko.



" What happened? Where's zane?" Naguguluhan paring tanong ko. Irita naman akong Tinitigan ng mga kapatid ko nang marinig nila ang pangalan ni zane. Malamang alam na nila kung anong nangyari! Pero paano? Hindi ko na talaga alam kong anong nangyare pagkatapos akong mawalan ng malay!



Napunta ang tingin ko sa likod ng mga kapatid ko at nakita kong nandoon si daddy katabi ang misteryosong lalaki.



I gazed at the man beside dad. Kumunot ang noo ko nang maalala siya. Chain Aiden Navarro. Kimagat ko ang labi ko at agad na iniwas ang tingin sa banda niya. Pagkaiwas ko ng tingin ang siyang pagtitig naman nito sakin. Kinurot ko ang braso ko sa ilalim ng kumot at pinaalalahanan ang sarili. Hindi ito tamang oras para balikan ang past namin!



"Tinatanong mo pa kung nasaan ang gagong yun?" Si Gun na papalapit na saakin. Galit na galit.



“ Naabutan ni Chain ang boyfriend mo na sinasaktan ka! Napaka walanghiya ng gagong yon! Tignan mo ang ginawa sayo? ”



Si Chain Aiden? Bumalik ang tingin ko kay Chain at nagtaas lamang ito ng kilay saakin. Ang laki na nang pinagbago niya ah? Dati ay payatot lang ito at parang walang iuobra? Anong nangyari sakanya? Sinong mag aakala na ang lalaking ito na nasa harapan ko ngayon na makisig at mukhang malakas ay ang lalaking nakilala ko noon? Ngayon ko lang napatunayan na totoo pala talaga iyong glow up! He's a good example for it!



“ Nakawala siya kagabi pinabloter na namin para mahuli. Dapat ay mag doble ingat kana simula ngayon. Paniguradong babalikan ka ng ex mo." May galit at hinagpis din sa tuno ni Kuya Matt.



Minsan lang siya magsalita at lagi pang seryoso kung titignan hindi ito katulad nila Gun at kuya Luke na magaan namang kausap at minsan pang nagbibiro. Na iintindihan ko naman kaya sila ganyan ay dahil nag aalala lang din sila saakin. Ang over protective kaya nila saakin! Baka nga pagkatapos nitong araw na 'to o sa oras na makalabas ako sa hospital na ' to baka hindi na nila ako palabasin ulit!



Hindi ko din maiwasang mag alala sa nangyare. Hindi ko inaasahan na gagawan ako ng masama ni Zane! Lalong hindi ko siya babalikan kahit pagkakaibigan manlang no! Iniisip ko palang kung hindi kami nakita ni Chain noong gabing iyon baka natangay na niya ako palayo! Worst baka saktan niya ako ulit! Hindi ko maiwasang manigas kapag iniimagine ko!



Nakakasakal na siya! Nakakasuka ang bawat pagseselos niya. Kung ang iba ay gusto'ng gusto ng binabakuran sila ay naku! ibahin niya ako! I love my freedom more than anything and that's  period!



Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now