Chapter 14

73 9 0
                                    

Chapter 14

Issue.

     PUMASOK ako sa school isang linggo na ang nakakaraan matapos ang Camping sa laguna. Huminga ako ng malalim. Hindi pa din ako pinapansin nila Shaina. At alam ko din na sa loob ng isang linggong iyon binabantayan niya ang bawat kilos ko.



Hindi ko nalang siya pinapansin. Hanggang sa sinalubong niya ako na may malaking ngisi. Parang tuwang tuwa na may nalaman siya tungkol saakin.



“ Anak ka pala sa labas?” Napatayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ang mga nakikiusyosong kaklase sa palagid.



“ Shaina, stop it” Nagbara ang lalamunan ko.



“ So, totoo nga? Kabit lang pala ang nanay mo eh! Isang hamak na katulong at nilandi ang tatay mo! Para umangat lang sa buhay!”



Pinipigilan ko ang umiyak sa harapan nilang lahat. Nagbubulungan na ang ibang mga studyante at may naririnig nang mga panghuhusga.



“ Oo totoo yun. Dating namasukan ang nanay ko sa mansyon nila kaya alam ko” narinig ko pang may nag sinabi noon na kung sino.



“Grabe nakakahiya! Anak lang pala siya sa labas? Kawawa naman ang mga kapatid niya. Siguro nandidiri sila sakanya”



Lumunok ako at nanginginig na nag walk out palabas ng classroom. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo.



Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Humagulhol ako at tinatakpan ang mukha. Napakasama ng ugali ng shaina'ng yon!



Shangina niya!



Hindi naman talaga lihim ang pagiging anak ko sa labas. Pero kapag nasasali yun sa usapan ay parang nanghihina ako. Iyon ang pinaka mabilis na bagay na makakapagpatumba saakin. Pero sa kabila noon maayos ang tungo saakin ng pamilya ko. Ako pa nga ang pinaka spoiled eh. Pero hindi kaya, totoo ang sinasabi nila? Galit saakin ang mga kapatid ko? Na nandidiri sila saakin? Na malandi ang nanay ko at ang bunga ng pagtataksil ni dad kay Tita Ava ay ako?



Anong pakiramdam ni Tita Ava habang tinitingnan niya ako? Naaalala niya kaya ang kataksilan nila mama? Bakit ngayon ko lang to naisip? Ang sakit. Parang gumuho lahat sakin. Ang insensitive ko sa mga kapatid ko at kay Tita Ava.



May umupo sa tabi ko. Kaya napasulyap ako sa kaliwa ko. Si Chain Aiden iyon. Nakita kong may inilabas siyang panyo at inabot saakin.



Tumutulo pa din ang luha ko at lalong naiyak ng makita siya. Ewan ko. Bigla ko nalang syang niyakap at doon sa balikat niya umiyak. Iyak lang ako ng iyak. Nakakapit lang ako sa bewang niya. Ang ulo ko naman ay nasa dibdib niya ngayon. Habang patuloy ako sa pagiyak nararamdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko.



“ Basa na ang damit ko. Hindi mo naman sinabi na gusto mo palang pamunas sa luha mo yung uniform ko” Tumawa siya.



Masama ko siyang tinignan.



“ Joke lang!” nag peace sign siya saakin. Nagawa niya pang magpatawa sa kabila ng pagiyak ko dito ah? Pero alam ko naman na gusto niya lang pagaanin ang loob ko.



Medyo nahiya naman ako dahil anlapit ng mukha namin sa isa't isa. Tinulak ko siya ng mahina lang. Medyo nahimasmasan na.



“ Wag mo ng isipin yon. Ano naman kong anak ka nga sa labas? At least tatlo magulang mo!”  nakangiti niyang sabi.



Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now