Chapter 19

72 13 0
                                    

Chapter 19

Captive

        Niyakap ko si mama. Halos ayaw niya akong pakawalan. Miss na miss niya daw ako. Ngumiti ako sakanya at hinagkan siya sa noo.  Si dad ay niyakap din ako. I am so loved by my family. Wala na akong mahihiling pa.



"Welcome back my princess” Sabi ni Dad. Ngumuso ako.



Princess...



Dati naiirita ako pag tinatawag nila akong ganun ngayon kahit paulit ulit pa nilang itawag saakin yun ay okay lang. Miss na miss ko sila! Ngumiti din ako kay Tita Ava at niyakap na din siya.



Dahil sa pagbabalik ko ay nag pahanda pa sila Dad sa mga katulong. Kaya naman, pagkauwi'ng pagkauwi ay salo salo na kami sa hapag. Katabi ko si Chain at hawak ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Kahit na kausap siya ni dad ay paminsan minsan din siyang sumulyap saakin.



" Thank you so much Mr. Navarro. Hindi ako nagkamali na sayo ipagkatiwala si Shan.”  Malaki ang ngiiti ni Daddy kay Chain at nagawa pa nitong itaas ang hawak na basyo ng wine at lagyan ang baso ni Chain.



Agad namang tinanggap iyon ni Chain at ngumiti sa kay dad.



" Ginawa ko lang po iyon para sa kay Shan. Handa akong protektahan siya sa kahit anong peligro hanggat makakakaya ko. Lalo na sa lalaking 'yon” Chain Aiden said seriously.



Hindi ko na napigilang mapanganga sa diretsyong pagkakasabi niya noon sa harap nila Daddy. Hindi manlang siya kumurap o kung ano mang gesture na magpapakita'ng hindi totoo ang sinasabi niya.



This is my man. I am sure of that.



Ngumiti ako sa harap ni dad at pinagmamalaki ang taong nakapagbighani saakin.



"Ohhh. Is that the reason why you offered na ikaw nalang ang magbabantay sa anak ko hijo?”  Nagtaas ng kilay saakin si Dad. At inilipat ang tingin kay Chain. Nagulat ako sa sinabi ni Dad...



I thought...



Hindi ba sinabi niya saakin dati na si Dad ang nanghingi ng favor sakanya? Ano itong sinasabi niya na si Chain ang nag offer? Oh my god?!



" Yes Sir. I offer it to you para masigurado kong hindi na siya magulo ng lalaking iyon. Shan, deserves better. Hindi siya nababagay sa kahit na sino.”  sumulyap saakin si Chain.

Nakita kong namumungay ang mga mata niya nakatitig pabalik saakin. Para akong matutunaw. Kung wala lamang ang mga magulang at mga kapatid ko sa harap baka nahalikan ko na siya sa sobrang pagpapatibok niya sa puso ko sa pamamaraan ng mga sinasabi niya sa harap nila Daddy.



" At sino ang sa tingin mo ang nababagay sakanya hijo?” there's a taste of malice in Dad's voice.



Uminit ang mukha ko.



Pwede bang umalis muna sa harapan nila at huminga muna? Parang kanina pa ako hindi makahinga dito eh!



“ I love your daughter sir.” Diretsyong sinabi ni Chain.



Parang kakawala na ang puso ko sa dibdib dahil sa sinabi niya. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya ganun din siya saakin.



" There you said it! I am so glad!” Dad chuckled because of amusement.



" So, hindi na naman kayo mga bata pa para pigilan ko kayo at maging hadlang pa sainyo...”



"Kaya naman, kailan ang kasal Mr. Navarro?”  Umangat ang mukha ko sa naiiyak na si papa. Tumayo siya at tinapik niya ang balikat ni Chain.  May tumulo na ding luha sa mata ko at umambang yayakap kay dad.



" Matanda na ako at ang hinihintay ko nalang ay ang makasal ang unica hija ko. I am happy that it's you hijo. And i know that, Shan's happy too, right princess?” Lumipat ang tingin niya saakin. Ngumuso ako sakanya at tumango.



I really love my dad. The best!



" So, kailan ang kasal?”  tanong uli ni dad na mas mahinahon na boses. Nagsitawanan kami sa hapag at nagkatinginan nalang kami ni Chain.



He winked at me.



Nahihiya naman akong tumungo at tinatago ang mukha sa kanilang lahat.



Wala pa naman sa isip namin iyon dahil ka–kabalikan palang namin. Pero hindi ko maiwasang isipin na gusto ko din iyon. Wala naman akong ibang gusto para sa iba pa maikasal. Siya lang naman ang lalaki sa buhay ko. Pero ayoko namang pangunahan ang lahat.



" I'll wait for Shan's approval first." Bulong bulong ni Chain Aiden sa tabi ko.



Sinapak ko ang dibdib niya. Syempre gusto ko din yun! 



Lalong nasitawanan ang mga kapatid ko saamin. Umiling nalang ako at nagtago sa dibdib niya.



" Tinatanong pa ba yan? sympre naman!” pabulong dapat yun pero dahil sa sayang nararamdaman naisigaw ko nalang.



Nakita ko ang mga ngiti sa labi ng mga nasa paligid. Si Dad ay nangingiyak na nakatingin saamin.



I guess, if you truly love someone you will never forget about it. You will always come back and keep holding on. Even if you are not sure that it would be appreciated.



And with Chain I am sure. I will always be in love with him. Hindi masasayang ang bawat minuto. Kumapit man ako sakanya ay alam kong kakapit siya pabalik saakin. And for me that's how love works. I just keep on holding him and he will hold me too. I just keep on loving him and he will tenderly love me too.

^_^

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now