Chapter 3

117 10 0
                                    

Chapter 3

Province.

"Are you alright?" kaagad na niyakap ako ni Daddy. Umiiyak naman na natanaw ko si mama na nasa tabi ni Tita Ava.



"I'm okay daddy." pilit akong tumayo.



Kaya ko naman halos wala ngang nangyare saakin. Pero di ko parin lubos na maisip na magagawa ni Zane iyon! Ano na ba ang tumatakbo sa isip niya? Akala ko okay na ang lahat. Na umalis na siya ng bansa at doon na namuhay kung nasaan man siya naroroon.



Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa niya iyon.



"Nakatakas nanaman ang lalaking iyon hija. Hindi kana ligtas dito. " hinawakan niya ang aking mga palad. Kitang kita ko ang pag aalala ni mama saakin



" Kaya't napag pasiyahan namin na mamalagi ka muna sa puder Ni Aiden. Mas ligtas ka doon anak. "  Si daddy sa tabi ko.



"Dad.." aangal na sana ako. Ngunit sa hitsura ni Daddy mukhang wala ng makakapag pabago ng isipan niya.



" Okay dad" huminga ako ng malalim.  As if naman na makakapalag pa ako. Hello! May lalaking gusto akong gawan ng masama hindi lang isang beses nangyare yun ah! Dalawang beses! DALAWA! Hindi ko alam na ganoon si Zane! Tama ang desisyon ng parents niyang ipapangalan sakanya! inZANE siya!



Ang witty ko choss!



"Later, susunduin kana ng chopper papunta sa Rest house niya. Ituring mo nalang itong isang bakasyon anak.  I don't want you to be stress because of this."  Pinal na sinabi ni daddy.



I looked around. Wala si Chain. Or Aiden base sa tawag sakanya ng mga tao dito. May tama siya kanina ng dahil sa pagsalo ng bala na para saakin. Kaya't may utang na loob ako sakanya  niligtas niya nanaman ang buhay ko.



Hinangin ang aking buhok ng dahil sa Chopper na sinakyan. Tinanaw ko ang mabeberde'ng  daan patungo sa gitna noon ay  mayroong  napaka laging gate at May naka engraved na pangalang "Casa Navarro"



Malamang sa malamang ito na ang Rest house na tutuluyan ko ngayon. Chain Aiden Navarro... Ngumuso ako at tumukak na sa gate.



Sinalubong ako ng medyo chubby na paniguradong maid dito dahil sa suot nitong navy blue and white na uniform.



“ Dito po Miss ganda, yung tutuluyan nyo pong kwarto”  Medyo nangiti ako sa sinabi niya. Well ganda ko naman kase talaga!



I flipp my hair and place it to my left shoulder.  Mangha namang sinundan ako ng tingin ng katulong na iyon. I like this maid.



" By the way, where's Chain ba?"



" Ahh si Sir Kaden po ay nasa office niya po ngayon. May kailangan ka po ba ma'am?”



" Kaden? Who's kaden?”  naguguluhan ako si Chain ang tinutukoy ko iba naman ata ang sinasabi ng isang ito.



“ Ahh yun po kase ang nakasanayan naming tawag dito kay Sir Chain Aiden. Patawad kung naguluhan po kayo”



“ Ohhh.. Okay! ” umirap ako.  “ Wala naman akong kailangan bukod sa nagcacrave ako ng lasagna! Sabihin mo sa kay Chain Aiden i mean kay K-kaden.”



Okay i will use to call him Kaden nalang. Ang haba naman kase ng Chain Aiden!



Tumango at magalang na umalis ang maid na iyon.



Pagkatapos ay pagod akong dumapa sa aking kama. Pagkabukas ko pa lamang ng aking account ay andami ng mga message doon. Galing kila Kuya i read them all at nireplayan.



“ Stay safe princess. Ily ” ngumiti ako sa message ni Gun. Sweet.



" Okay gun! Love u too! ”



Sunod ay message nila kuya Matt, luke at kay daddy ang nireplayan ko puro pag papaalala na wag daw akong pasaway kay Chain. As if naman?



Nakatulugan ko nalang ang pag sscroll sa aking cellphone. Pupungas pungas akong tumayo ng hindi pamilyar na kwarto ang naulinagan ko ng magising akong bilog na ang buwan sa labas ng higit dalawang dipang bintana.  I'm shivering because of the cold wind from the outside. Wala namang lamok at napaka calming ng naghahapasang mga dahon. 



Tumayo na ako at kinusot ang mata. Nakita ko sa orocan malapit sa bintana ang maliit na orasan. It's already 8:09 pm napasarap nga ang tulog ko dahil ang tanda ko mga alas kwatro kami nakadating dito.  Limang oras din ang tulog ko. I wonder kung makakatulog pa ako mamaya dahil sa haba na ng tinulog ko.



I went down from the large wooden stairs. Nasa gitna iyon ng malawak na hallway ng bahay.  Tiningnan ko ang paligid pero walang tao doon. Nasaan na ba si Chain? Ilang hakbang ko palang ay tumunog na ang tiyan ko sa sobrang gutom.



" Tsk. Hindi nga pala ako nakapagtanghalian" sabi ko. hawak-hawak ang aking tiyan at nakasandal sa hamba ng hagdan.



" Hindi na kita pinagising dahil alam kong pagod ka sa byahe kanina"


The fuvk?! 



Tatakbo na sana ako dahil sa sobrang takot dahil sa biglang pagsasalita ni Chain sa likod ko. Napahawak ako sa puso ko. Aatakehin ata ako sa lalaking to eh! Bakit ba bigla bigla siyang bubulong dyan! Ugh kairita!



" Nakakainis ka naman! Wag ka ngang bubulong bigla dyan!" lumapit ako sakanya at hinila siya sa siko.



Kita kong nanlaki ang mata niya sa gulat sa bigla kung paghawak sa kanya. Hindi ko nalang siya pinansin at tsaka na siya mag inarte dyan dahil kinakabahan ako sa bahay na ito. Masyado kaseng malaki. Kinikilabutan ako!



" Nagugutom na ako Chain! Sabay na tayo! nakakatakot naman resthouse mo! Haunted house mo ba to?"  nasa likod niya lang ako at siksik ako ng siksik sakanya. Kahit may ilaw naman sa loob ay natatakot padin ako. Nasan na ba ang mga katulong nila? Kami lang ata ang nandito!



" You don't have to hold me! " May inis sa tuno niya.



Umirap na lang ako at sumunod sa kanya pero di ko padin tinatanggal ang hawak ko sa kamay niya.



So, this is the feeling of holding him uh?

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now