Chapter 16

82 8 0
                                    


Chapter 16

Forget.

I wake up with a heavy heart. Tinignan ko ang labas mula sa bintana at nakitang tirik na tirik na ang araw.

Chain is my High school sweetheart you all know it by now. I was so in love with him. Pero, hindi pala sapat ang pagkakagusto niyo sa isa't isa para mapigilang may mag cheat ang isa sainyo.

I chuckled.

Bakit ko ba iniisip to? At bakit binabalikan ko pa ang mga nakaraan? May mapapala ba ako? I've move on anyway! Nakamove on na ako! Yes! Yes! And i know naka move on na din si Chain Aiden ngayon.

I brushed my hair using my fingers. I go to my bathroom to get a cold shower. Pagkatapos maligo ay tsaka naman ako bumaba para mag almusal.

Pagkababang pagkababa ko aynakita kong ayos na ayos si Chain. Naka boots siya at nakapang cowboy hat. Maingay din ang mga kasambahay at halos lahat busy sa ginagawa.


“ Good morning!” Bati niya saakin.


“ Good morning...” na nanantiya kong sabi.


Saan siya pupunta? Sinilip ko ang labas at nakita kong mayroong kabayo sa labas. Nag kabayo siya? Tinignan ko ang paa niya. Oo at maputik nga iyon.


“ Ser! Handa na po ang truck!” Sigaw ni Mang Nestor sa labas.  Napatingin ako sa tumatangong si Chain na kausap si aling Marya.


“ Sige Mang Nestor! Sandali lang. ” sigaw niya pagkatapos ay seryosong sumulyap saakin.


“ San ka pupunta?” nagtaas ako ng kilay sakanya. Papalabas na siya ng pinto pero hinarangan ko agad siya!


Aalis siya tapos iiwan niya ako dito? No way! Ayokooo! Mababaliw na ako dito sa sobrang ka boredan!


“ Iche-check ko lang ang farm. At tutulungan sila doon. Mag agahan kana may niluto si aling marya sa lamesa.” Aniya.

Ngumuso ako. Nalulungkot.

“ Sama ako...” hinawakan ko ang braso niya. Ngumuso ako lalo.


“ Aalis na kami” Aniya.


Mas lalo naman akong nalungkot. Gusto kong sumama! Wlaa akong ginagawa dito sa bahay. Tutunganga lang ako tapos hihiga! Matutulog! Paulit ulit nalang nagsasawa na ako.


“ A-Alright, kumain kana doon. Atsaka..” Tinignan niya ang suot ko. I am wearing a spaghetti pink top and maong short.

“ Magpalit ka. Hihintayin kita.” sabi niya.

Yes!

Iiwan na niya sana ako pero hinila ko siya ulit paharap sakin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. I chuckled.


“ Samahan mo ko kumain. Ayokong magisa eh, please” nagpapaawa akong tumingin sakanya. At nakapikit na parang nagdadasal.


Nakita ko ang pag alon ng lalamunan niya at huminga siya ng malalim bago tumango saakin.

Napaka bait talaga ni Chain Aiden!

Kumakain ako at siya naman ay umiinom ng soda. “ Sigurado kang hindi ka kakain?” tanong ko.

“ I already eat. Kumain ka ng marami. Baka mapagod ka sa gagawin natin  mamaya.” aniya.


Tumango ako at ngumisi.


Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now