Chapter 18

79 11 0
                                    

This is Dedicated to all of my friends who keeps on supporting me. Kilala nyo na kung sino kayo hehe i love you all! I've been so stress this past few months and i decided to write just to get rid of it. So, i hope you'll enjoy it. ✨

Chapter 18

Come back

" Really?” Tumawa si Gun sa kabilang linya.  Ugh! Nakakainis! Bakit niya ba ako pinagtatawanan?



" Umm, Gun wag mo munang sasabihin sakanila Uhh... kami na magsasabi ni Uhh... Chain ” kagat kagat ko ang labi ko habang hirap na hirap sabihin iyon kay Gun. I told him na kami na uli ni Chain.



At ang bruho hindi manlang nagulat!



" I don't need to tell them Shan, they're all here."  tumawa si Gun sa background.



"Sorry Princess, hindi ko nasabing naka loudspeaker ako” Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig!



WHAT THE HELL!



Tawa ng tawa si Gun sa kabilang linya. Halos patayin ko na ang tawag ng hindi ko na makayanan ang kahihiyan!



" Gun! Oh my gosh!”



" Don't worry Princess, boto naman kami sakanya eh. Antagal nyo ding naghiwalay ah?” Si Kuya Luke na narinig ko sa background. Oh god! Totoo nga!



Ang init ng mukha kong napatakip doon. Nakakahiya!



" We are going to fetch you right now. Nagaalala si Dad. And he misses you”  tumango ako kahit hindi naman nila ako nakikita.



Pagkatapos ng tawag ay nag handa na ako. Naligo muna ako at pagkatapos ay inayos ko pabalik sa aking maleta ang mga gamit ko. Habang nagaayos ay pumasok si Chain at agad akong niyakap. Uminit ang mukha ko.



Okay! I remember! We back together. Pero hanggang ngayon si pa rin ako makapaniwala!



" Nasa baba na sila.” Bulong niya. He sounded so bored. Parang ayaw niya na nandito na sila kuya.



" Why are you sound like you're so sad?” Natatawa ko siyang hinarap. Mas lalo niya naman akong niyakap.



" I want to stay with you here alone” nag iwas siya ng mukha at hinalikan ang noo ko.



Dahil sa sinabi niya parang tinatamad na din tuloy ako. Parang gusto ko nalang din na dito kami.



Kami lang. Kasama siya.



Pero alam ko naman na hindi pwede iyon. May mga kailangan akong gawin sa manila. Dahil doon ang buhay ko. Naroon ang trabaho ko at alam ko na siya din ay ganon.



" Kahit naman nasa manila tayo. Kasama pa din kita. Ihahatid mo ako sa bahay. Magdadate tayo. Kakain sa labas. Babawi tayo sa mga taon na nagkahiwalay tayo.” Sabi ko.



Iniimagine ang mga gustong mangyare doon. I'm so excited!



" I am falling for you even more Shan." Sabi niya at hinalikan ako sa aking labi. Nangiti naman ako at sinuklian ang marahan niyang halik saakin.



I'm in love with you too Chain. Sobra.



Bumaba na kami ni Chain at agad kong sinalubong ang mga kapatid ko. I hug them all at nag kiss sa kanikanilang cheeks.



"Are you ready?” Tanong ni Gun. Gun is just so uptight. Hindi manlang ba sila kakain muna at magpahinga bago kami umuwi? Mas strikto pa si Gun kina kuya Matt at Luke eh.



" Kumain kaya muna tayo Gun no? Baka bet mo lang? " Sabi ko.



Nagsitawanan naman sila. At agad na tumungo sa hapag kung saan nakahanda yung mga pagkain.



This is the last day of us being here. Susulitin ko na.



Umupo ako sa tapat ni Kuya Luke na katabi ni kuya Matt. At katabi ko naman si Gun na nasa kaliwa ko at si Chain sa kanan ko. Patuloy lang sa pagaasaran ang mga kapatid ko habang ako ay natatahimik sa paglagay ng pagkain sa sarili kong pinggan nang kuhanin ni Chain Aiden iyon siya na ang naglagay ng pagkain.



" Tama na. Di ko mauubos yan.” Tinapik ko ang kamay niya.



Ngumisi siya saakin at tinigilan na ang paglalagay sa pinggan ko. Nang tingnan ko  ang mga nangiisyusong mga kapatid ko ay halos maginit ang mukha ko! Nakakahiyaa!



" Lalanggamin na kami dito!” Pagpaparinig ni kuya Luke sa gilid.



Nagiwas ako ng tingin at yumuko nalang. Nangingiti na din sa mga pangaasar nila. Madami pa silang pinaguusapan at ako patuloy lang sa pagkain.



Nang matapos ay napagpasiyahan namin na by land nalang bumyahe. Sila kuya ay nasa iisang sasakyan habang ako ay nasa sasakyan ni Chain. He's the driver. Ang sabi ko pwede naman na iba ang magdrive at si Mang feng nalang pero nagpumilit siya ay mas gusto niya'ng siya ang magdrive.



Naka sunod lamang kami sa kotse sa harap. Nandoon sina Kuya Matthew, Luke at Gun.



“ I will miss this place” sabi ko habang tinatanaw ang dinadaanan namin palayo sa Casa Navarro. Palayo sa resthouse niya.



" Pwede naman tayong bumalik dito.”  Sabi niya  at sumulyap saakin. Ganun din ang itsura niya parang nanghihinayang din na aalis na kami. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Ngumiti ako sakanya.



Hay I love you Chain....



" Pwede pa bang bumalik? Paunahin na natin sila kuya?” Nagtaas ako ng kilay sakanya.



He make a face at me. Kaya naman humalakhak ako. Hindi mabiro ang isang to! Alam ko naman na gusto niya ring manatili pa din kami doon.



"  Don't tempt me Shan, You're not helping me. Baka mailiko ko bigla pa balik 'tong kotse at magalit pa saakin ang daddy mo” iling iling niya.



Mas lalo akong humalakhak. Ayaw mong sumawayin kase nagpapalakas ka kamo!


Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now