Chapter 9

93 11 1
                                    

Chapter 9

Sleep

      “ NAALALA ko noong kabataan ko hindi naman ganito noon. Masaya kami sa dalampasigan at doon naglalaro dahil wala pang internet noon. Naku! Napaka sayang balikan ang nakaraan!”  Patuloy lang sa pagdaldal ang Teacher namin sa Ap ng talambuhay niya. Halos inaantok naman ang iba pero kunyare nakikinig para humaba ang oras na hindi ito nagtuturo. Haha Mga Loko!



Ako naman nakatulala lang inaantay ang oras na matapos para matapos na din sa ka-kadada ang matandang 'to sa harap as if naman na nakikinig kami.



Nilingon ko ang Nerd na si Chain. Tumingin ako sa paligid. Wala namang nakatingin saamin. At nasa pinaka likod din naman ang upuan namin. Sumulyap ako kina Shaina na nag tatawanan sa kung anong joke ni Evan. Ngumuso ako at tinitigan si Chain.



“ Psst” Agaw ko ng pansin niya. Tumingin naman siya saakin.



“ Tulala ka dyan?” Tanong ko para makapagsimula ng usapan. Ewan ko ba bakit kinakausap ko siya. Bored siguro.



Hindi siya sumagot at nagiwas lang ng tingin na parang wala siyang pakialam saakin. Sungit ni nerd oh!



Tinignan ko ang kabuuan niya. Ngumiwi ako kase ang baduy talaga! Ang laki sa kanya ng uniform niya! Tapos ang payat payat niya. May makapal pa siyang salamin. Umiling ako.



Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Nababaliw na ata ako! Naamoy ko ang bango niya! hmm.



“ W-what are you doing?” tanong niya natataranta.  Ngumisi ako.



“ Saglit lang.”  bulong ko.



Nakapikit at nagcoconcentrate sa paghula kung ano bang pangalan ng  pabango niya.



“ Anong pabango mo?” tanong ko. Inalis na ngayon ang ulo sa pagkakasandal sa balikat niya.


“ Wag ka ngang bigla biglang dumidikit sakit shanon!”  Sabi niya. Pero pilit hinihinaan ang bosses. Ngumisi ako lalo. Shanon. Ngayon ko lang siya narining na sinabi ang pangalan ko.



“ Okay nerd!” sabi ko may ngiti pa din sa labi

___________________________________________________


“ Nakatakas na naman! Kating kati na talaga akong mahanap ang gagong yun at baka mapatay ko pa!” si Kuya Matt ang nagsasalita sa background.



“ Are you all okay there kuya ?” Si kuya Luke ang nasa screen kasalukuyan ko silang ka Video chat. Nakita kong nasa living room sila at nagiinuman. Kuya Matt, Luke and even Gun was there.



Sabi nila ay wala sila sa bahay ng mangyare iyon dahil may sari-sarili silang trabaho at negosyo. Nang biglang magpakita si Zane at mga guard lang ang nadatnan kaya mabilis din itong nakatakas sa mga guards dahil kakaunti lamang ang mga iyon. Mabuti na lamang at nasa ibang bansa sina daddy at Tita Ava. Si mama naman ay nasa kanyang Nobyo sa Cavite naninirahan. Mas maigi ng walang nasaktan kahit isa sakanila.



“ Don't mind us Shan, just enjoy there. Kami ang bahala dito ” sabi ni Kuya Matt. Tumango ako.



“ Keep safe kuya! I miss you all! ” naiiyak ako. Araw araw naman nila akong kinakamusta pero nakakamiss na kase sila. Atsaka bored na bored na ako dito! I miss my night out! I miss manila! I miss my friends! Ngumuso ako



“ Don't be sad Princess. We'll visit you once we  clear our schedule hm?”  si Gun iyon.



“ Alright!” I said. Medyo gumaan na ang pakiramdam.



“ Don't get caught princess! We love you! Byee”



“ Bye. Love u...” huminga ako ng malalim pagkatapos ng tawag ay  tumayo na sa aking kama. It's another tiring but not so busy day. Bumaba ako at nag almusal. Tulala lang ako habang nanguya.

 

Ni hindi ko napansin na kanina papala may nakatingin saakin sa harapan.  Si Chain Aiden, with his usual cup of coffee and a book on his hand. Umirap ako sakanya. Tingin tingin niya dyan?



“ Red days?” nakakainis ang ngisi niya!



“ Bakit mo alam!” binigyan ko siya ng nagaakusang tingin! Pervert kana ngayon? Iba kana talaga nerd ah!

“ I was just guessing!” Sumilay ang ngisi niya. Umirap ulit ako. Pag talaga ako ang naiinis natutuwa siya eh. Pag ako naman nangiinis siya naman ang mukhang nirered days. Umiling nalang ako.



Mas lalo pa akong na badtrip nang dumating na naman si Mia may dala siya ulit na ulam. Pinagmamalaki na naman niya yung luto niya! Aisshhh! Bakit ko ba sila pinapansin jan! Wala akong pake kung magligawan sila!

Tumalikod ako nagpasyang umakyat sa taas. Bakit ba kase nandito yun? Pero bakit ba ako nagtatago dito sa kwarto ko? Inis na napapadyak ako at tamad na humiga sa kama. Mga ilang minuto'ng pag scroll sa account ko ay pabalikwas akong tumayo.



“Tama! Tatambay nalang ako sa terrace!” 



Pero, dapat may gagawin ako dun! Ting! Manghihiram nalang ako ng libro sa kay Chain para may mabasa. Kahit hindi naman ako nagbabasa non! Bahala na!



Lumabas ako ng kwarto ko. Tiningnan ko ang kwarto ni Chain nasa dulo iyon. Nag tiptoe ako papunta doon. Sinubukan kung pihitin ang door knob! Gotcha! It's open!



Pagkabukas ko halos ma mangha ako sa sobrang ayos ng gamit. Parang hindi lalaki ang nakatira. Wow! Hygienic! Tiningnan ko ang malawak na kama parang anlambot naman ng kama niya. Pero no! Hindi ako nandito para dyan. Tiningnan ko ang book shelves nito. Ang kakapal ng libro. Nakita ko ang pulang libro na maayos na nakapatong sa desk niya.



Book of riddles. Ang boring talaga! Wala manlang ba siyang bold magazine dito? Porn? Good boy! Ganon kase kila kuya eh. Pero sanay na naman ako at mulat na sa mga bagay na ganon. I understand. I'm open minded. Hmnn.



Nangangalkal na talaga ako at nakalimutan na ang plano kung pagtambay sa terrace. Parang mas magandang tumambay dito. Hihi



Pagkabukas ko ng isang drawer! My ghad halos mapatakip ako ng bunganga sa sobrang gulat ko! Yung mga brief niya kase ang nakalagay dito. Namumula ang mukha kong tiningnan yun. Ang laki ah! I-i  mean y-yung size nung brief! Binalik ko na yun at kanina pa ako hindi makahinga dito! Ahuuuu!



Humikab ako at kinuha ang book of riddles at binasa ito. Humiga ako sa kama niya habang nagbabasa ng hindi ko maintindinhan. Humikab ulit ako at inantok na.



Nagising ako ng madilim na ang paligid. Pinay-payan ko ang sarili. ang sarap ng tulog ko! Ano na bang oras na?



“ Mali ka ata ng napasukang kwarto”



“PUTANG!--”  I screamed! Para akong hi-highbloodin nang maalalang kay Chain Aiden itong kwarto! Nakakahiya! Bakit ako nakatulog dito?!



Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now