Chapter 11

88 11 0
                                    

Chapter 11

Jealous.

Nagising akong wala na si Chain sa tabi ko. Tulala pa ako at pinu-proseso ang mga nangyare! NAGTABI KAMI NI CHAIN SA IISANG KAMA!  At dahil iyon sa katangahan ko!



Hindi na naman ako uulit no! Tumakbo ako papunta sa kwarto ko whoooo! Nagmamadali akong kumuha ng towel at ng malinis na damit agad akong nag shower.



Binatukan ko ang sarili ko. Tsk nakakainis! Nahihiya tuloy akong makita si Chain ngayon. Ngumuso ako. Sinuklayan ko nalang ang buhok ko.



May kumatok sa pinto ko. Agad kong binuksan iyon.



“ Kakain na daw po kayo sabi ni Ser, Mam.”  Si Marya. Inalis ko ang kaba ko at tumango sakanya. Nag last look pa ako sa aking vanity mirror at naglagay ng kaunting lip tint. Better!



Dumating ako sa lamesa. Ayun na naman siya at nagkakape. Mukhang normal naman. Sobrang tahimik lang at hindi ko alam ang sasabihin ko.  Hindi ko alam kong anong ioopen kung topic. Kaya tahimik nalang akong kumain ng agahan. Tocino at hotdog na may fried rice ang agahan. 



Tumingin ako sakanya. Nagbabasa lang siya doon ng dyaryo. Tsk, kung hindi nagbabasa ng libro ay dyaryo naman ang binabasa niya. Hindi ba siya naiinip?



Nahagip niya ang tingin ko. Hindi ko alam ang sasabihin kaya ngumiti ako sakanya mukha pang hindi genuine kase naiilang ako.



“ Ang sarap ng almusal ahh..” wala sa hulog na sabi ko. napakamot ako sa ulo ko. Ano bang ginagawa ko? Kinurot ko ang binti ko sa ilalalim ng lamesa. Ouch!



“ Si ate marya ang naghain. ” Tumango ako sakanya. Ibinababa niya ang hawak na dyaryo at tumingin saakin. Tumingin din ako sakanya.



“ Aalis tayo.” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya at medyo ginanahan. “ Saan tayo pupunta?” Medyo hindi ko na napigilan ang saya sa boses ko. Sa wakas ay makakaalis din sa boring na bahay na to!



“ A little celebration sa plaza. Fiesta.” sabi niya. medyo ginanahan naman ako kahit kunti. Kaya naghanap ako ng maisusuot.



Suot ko ang isang light green puff sleeve na medyo labas ang aking tiyan. May pagka crop top kase ang style noon. Gosh, naeexcite ako sa mga dala kong damit. Ngayon nalang kase ako ulit makakasuoot noon. Puro simpleng dress or T-shirt lang kase ang nasusuot ko dito dahil asa bahay lang.



Suot ko din ang high waist white jeans. Para naman sa pang-ibaba ko. Naglagay lang ako ng check tint and lip gloss para sa labi ko. And I'm ready.



Nakita kong nag aantay na sa kotse si Chain. Tiningnan niya ang kabuuan ko. Nagtagal saakin ang mata niya. Ewan ko kung anong itsura niya kase nakayuko ako. Ayoko tingnan siya! Ngumuso ako at sumakay na sa passengers seat.



Ganda ko ba Chain Aiden huh? 



“ Malapit na tayo” sabi niya. Ako naman manghang mangha sa makukulay na decorasyon sa paligid. Wow. Kitang kita mo talaga na fiesta eh. Ito ang mganda sa mga probinsiya. Pinapahalagahan at pinaghahandaan talaga yung mga ganitong celebration.



Bumaba na kami ng sasakyan. Maraming tao sa plaza. May program doon sa malaking covered court. At may stage din. May mga palaro din sila para sa mga bata.



Sinalubong kami ng mga kilalang tao ata ng probinsiyang ito. Mayor ata. Kinamayan ito ni Chain at nagbiruan pa sila. Mukhang kilalang kilala na si Chain ng mga tao dito. Ako naman ay nasa gilid niya ay pag may nakakapansin saakin ay nginingitian din ako.



“ Ito ba ang nobya mo hijo? Napaka ganda naman!”  sabi noong matabang lalaki.



Nanlaki ang mata ko at tumingin kay chain sa tabi ko.



“ Hindi ko siya girlfriend Albert .” Nakangiti'ng sabi ni Chain at pagkatapos noon ay nakipag biruan ulit.



Ngumuso ako. Parang nawalan ako bigla ng gana. Huminga ako ng malalim at tumingin nalang sa paligid. Eenjoyin ko nalang ang gabing ito.



Maraming nagtanghal sa stage. May mga sumayaw, kumanta at nag magic! Tawang tawa pa ako sa magikero'ng may halong comedy ang ginawang presentation pero magaling at nakakabilib ang mga tricks. Wala naman akong masasabi sa pagkain dahil sobrang dami noon! Nakita ko pang may Tatlong lechon  pa na iniihaw sa likod.  Wow! Halos pwede nang pakainin noon ang isang baranggay!



Nakangiti akong sumulyap kay Chain na nasa tabi ko. Nakangisi din siya at may hawak na baso ng alak. Nawala ang ngiti ko ng makitang madaming inaabot sakanya ang mga babae sa harap. Parang hinuhubaran nila ito base sa pagkakatingin nila.



Nakita ko'ng namumula na si Chain pero mukhang tipsy palang. Dahil maayos pa naman ang galaw nito.



Nilagay ko ang palad ko sa binti niya. Tumingin siya saakin. " Uwi na tayo" Inilapit ko ang  mukha ko sakanya para marinig niya ang sasabihin ko. Ngumiti siya at tumango na saakin.



Nilipat ko ang tingin ko sa mga mga babae'ng nagkakandarapa sakanya kanina. Umirap ako.



Nagpaalam na kami na uuwi na kami at nagpasalamat dahil sa imbitasyon.



“ Ansaya no? .” sabi ko kaya natigil siya sapagaayos ng seatbelt niya.



“ Yeah” pinihit niya ang manibela para iliko ito pa kaliwa.



“ Nagenjoy ka talaga kase ang daming chix dun no?” sabi ko. I glare at him.



“ Talaga ba? Parang wala naman.” Sabi niya. Parang nagiisip pa siya pero umiling nalang Nagtaas ako ng kilay.



“ Tsk!” Ewan ko ba kung bakit ako naiinis! Gusto kong awayin siya o ano! Basta naiinis ako.



“ You jealous?” Tumitig siya saakin.  I blinked twice. Hindi ko inaasahan yun ah?! Kaya naman medyo ilang segundo ako bago naka bawi.



“W-what? Are you kidding me?” I laughed para  mas kapanipaniwala! Gosh! Muntik na!



Anong muntik na? Hindi naman talaga ako nagseselos eh! Mukha niya!



“ Then, don't make me feel that you are jealous” He said while starring at me.


Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now