Chapter 5

96 10 0
                                    

Chapter 5.

Fight.

Matamlay akong lumabas ng aking kwarto. Hangang ngayon ay nandito parin si Mia sa bahay at siya pa ang nag presintang mag luto ng dinner namin. At mukhang dito pa ata siya mag didinner!



Hindi ko pa alam kung bakit kanina pa ako nasusura! I don't know! Baka dahil sa bored na bored na ako dito sa probinsyang to! Oo tama! Oo bored lang ako!


“ Tanda mo ba yung kasama natin sina Eros sa pagakyat ng puno? Grabe halos maiyak ako kase di na ako makababa pagkatapos!” Masayang sabi ni Mia. At sinundan iyon ng mga tawa nila. Halos kilabutan naman ako sa halakhak ni Chain.



Umirap ako.



Hoooo naiiyak ako i feel so out of place huhu. Pero kahit ganon ang pakiramdam ko patuloy lang ako sa pagkain ko at parang walang naririnig.



Buti nalang at nagring ang aking telepono at natahimik silang dalawa dahil doon. Hindi ko manlang tiningnan kung sino iyon basta sinagot ko nalang at O.A na sinagot ang tawag.



“ Hello babe? ” Peke ang kilig ko kahit hindi pa naman nasagot ang nasa kabilang linya.



“ W-what? Anong pinagsasabi mong babae ka? Nasan ka? ”  nanlaki ang mata ko dahil si Zerxes ang sumagot.



“ Babe i miss you. Don't worry after this, we'll meet again i love youuu ” Mas pinag igihan ko pa ang pagamit ko nang malandi kong boses



“ A-ano di tayo talo! Alam mo namang may Mah-..” di ko na pinatapos si Zerxes at pinatayan ko na agad siya ng cellphone. Mamaya ko nalang siya kakausapin sa kwarto.



Medyo satisfied naman ako sa nangyare dahil parehong natahimik ang dalawa sa harapan ko.  At nakita kong masama ang tingin ni Kaden saakin. Ano ka ngayon?



“ Hmnn... I'm sorry for the call ”  maarte kong ni-wave ang cellphone na hawak. At nangiti parin. Pagkatapos noon ay nanahimik na din sila.



Pagkatapos ng dinner ay umuwi na si Mia. Nakahinga ako ng maayos. Tumayo ako at paakyat na sa aking kwarto. Dahil sa nangyare kanina ay medyo na pagod ako di ko rin alam kung bakit.



Humarang sa daanan ko si Chain. " Bakit?” nakacross ang arms niya sa kanyang dibdib. Seryoso ang mukha.



" Tumawag sayo si Zane?” Sarkastikong sabi niya. I rolled my eyes at him.



" Hindi si Zane yun! Tsaka kung sino man yun you have no say!" lalagpasan ko na sana siya pero hinila niya ang pala pulsuhan ko. Nanlaki ang mata ko.



“ Babe Huh? What a cheap call sign ” nairita ako lalo dahil may nakakaasar na ngisi na sakanyang labi. Saglit na napadapo ang tingin ko sa pulang labi nito.



Napakurap ako at tila nawawala na sa pokos! Shan! Umayos ka! Pilit inaayos ang disposiyon at ibinabalik ang katinuan sa sarili. Tinulak ko siya palayo saakin.



“ Ikaw nga lakas mong makipag flirt kay Mia eh. Nakakadiri kayo!”  Umirap ako. Ang lakas niyamg tawagin akong cheap!



Doon naging iba ang ayos ng mukha ni Chain. Parang may nasabi akong napag patrigger sakanya para maging ganito ka galit saakin ngayon.  Opppss! Siya naman nauna ah? Tawagin ba akong cheap!


“ What the fvck are you talking about? She's just a friend! At ano naman sayo kung ganun nga ang mangyare?”



“Ang saakin lang nag aalala ang pamilya mo para mailayo ka sa lalaking iyon pero patuloy ka parin sa pagsuway! "


“ I told you he isn't it! Pwede ba hindi ako tanga!”  I can't bear with this fight anymore.



Kaya naman ay nagwalk out na ako at malakas na sinanggi ang braso  niya na nasa daan ko. Ganoon ba ang tingin niya saakin? Hindi naman talaga si Zane yun eh!



I cry myself to sleep. napaka babaw na dahilan. Ni hindi ko na nakausap si Zerxes para makahingi ng pasensya. Zerxes is just my friend from La salle nakilala ko lang din sa common friends ko na friends niya din.



“ Iyong lalaking yun ang sama sama ng ugali niya! Hindi porket gwapo na siya ngayon. Ahh! basta ang sama niya!” 

____________________________________________________
This is a flashback ‼️


           “ Uyyy Chain! May assignment kana?” tanong ko sa bago naming kaklase. Tiningnan ko ang kabuuan nito. Patpatin at may makapal na salamin. Ngumiwi ako. Kaya siya nabubully nila Evan eh.



Umiling siya saakin. Kaya tinalikuran ko siya at tsaka sabay sabing “ Damot” tumawa pa ako. Tumawa rin si Vera at Shaina sa tabi ko at sabay sabay kaming umalis sa harap ng nerd na yun.



Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now