Chapter 10

79 9 0
                                    

Chapter 1

P.E

"Sorry! Nakatulog pala ako. Di ko namalayan! " Naka upo na ako sa gitna ng kama niya. Pupungas pungas pa dahil baka may muta pa ako or laway sa gilid ng labi. Buti naman at wala lechugas!



" Really?" there's a hint of amusement from his voice. He's standing in front of me still interogating me.



" O-oo! As if naman na gusto ko matulog dito noh?! Kinuha ko lang to!" ipinakita ko ang libro niya. " Eh nakatulog pala ako"



" Bakit mo naman kukunin yan? Akin yan ah?" he said crossing his arms below his chest.



Napatingin ako sakanya.



" Di pwede hiramin?" umirap pa ako. Tatayo na sana pero tinulak niya ako pahiga sa kama at mabilis niyang dinaganan. Nanlaki ang mata ko! No nooooo virgin pa akooo!



" Get off me!" sabi ko pumipiglas sa pagka-kadagan niya. Hindi naman niya ako totally dinadaganan parang half of his weight lang ang nakadagan saakin. Then yung isa niyang braso nakapulupot sa dibdib ko. Kaya hindi talaga ako makabangon. Sobrang init na ng pisngi ko.



" Crazy girl, hindi mo alam kung paano mo ko binabaliw." bulong bulong niyang hindi ko magets.



" Let go of me K-kaden! Matutulog na ako sa kwarto ko!" Iritado kong sabi pero nauutal pa din.



" Kaden huh? I like it more when it came from you" bulong niya.



Uminit ang pisngi ko lalo. Ano ba naman to! Kailan ba matatapos ang oras na to at kailangan kung kaltukan ng maraming beses ang sarili ko dahil sa katangahan ko!



Umalis siya sa pagkakadagan saakin at tumihaya. Nakapikit pa din ang mata. Tatayo sana ako ng hamblutin niya naman ang pala pulsuhan ko at ihiga sa tabi niya at yakapin ako patagilid.



" Let's just sleep like this Shan please?" bulong niya sa tenga ko. Tumango nalang ako pinabayaan siya kong anong gusto niya! Nakakahiya! Bahala na!



Hindi agad ako nakatulog. Ni hindi nga ako makagalaw at parang tuod na yakap yakap ni Chain. Bumalik ang alaala ko noon. Pagbibigyan ko ang sarili ko. Sinubukan ko'ng ilihis ang braso niya nang nakitang tulog na ito. Successful naman ako sa pag-alis nun.



Nakahinga ako ng malalim. Tinitigan ko ang mukha niya. Matagal. Ewan, hindi ako nagsasawa sa pag titig sakanya. May tumulong luha sa mga mata ko. I'm sorry chain, nagkasakitan tayo noon. Hanggang sa nakatulugan ko nalang ang malalim na iniisip at ang kumakabog kong dibdib.


_____________________________________________________



" Sasama ka sa camping Shanon?" Nilingon ko si Vera sa harapan ko. Kasalukuyang PE namin ngayon. May graded game. ang laro ay volleyball. Not my sport pero medyo marunong naman ako.



" I'm not sure. San ba ang place?" Tanong ko. Tinutupi ang laylayan ng pants ko. Ngumiwi ako. Wala bang Jersey shorts ang school na to? Sabagay, hindi naman kase kami volleyball player para magkaroon nun. Ang mga iyon ay nakalaan sa mga players lamang.



" Around laguna lang. San pablo ata yun? Tapos diretso nang majayjay!" Excited na excited na sabi niya. " Sama kana ah?" Tumango nalang ako sakanya.



Next week na pala yun. Hindi pa ako nakakapag paalam kay mama at daddy. Pero alam ko naman na papayagan nila ako. Tumulak na kami sa malaking Court. Kaming section lamang ang nandoon. Sumakit ang mata ko dahil sa sinag ng araw.



Ang iingay naman ng mga kaklase kong lalaki parang ngayon lang nakalabas ng classroom. Nagsisipulan pa dahil dumaan ang mga grade 11. Tsk! porket pwede ng mag lagay ng make up ang mga ito. Kaya mas lalo silang naging mukhang dalaga tingnan.



Huminto ang isang grade 11 sa tapat ni Chain. Aba? Sino yun? Medyo lumapit ako sa banda nila. Parang ako lamg ang nakapansin sa kanila. Parang may pinaguusapan silang kung ano dun. Lumapit pa ako hanggang sa naririnig ko na ang pinaguusapan nila.



" Ano oras ang uwi mo?" tanong noong babae.



" Pagkatapos ng PE namin." ngumiti siya sa babae.



" Hmn.. Hihintayin kita sa gate ah? Sabay tayo." Medyo nahihiyang sabi noong maganda. Halatang may gusto talaga ito kay nerd!



Kinikilabutan ako bigla!



Baka girlfriend niya? At itong Grade 11 iyon? Wtf! We're just grade 9 for god's sake! Pwede ba yun? Pwede?



Mukha namang maayos itong babae. At well, Oo maganda! Pero, anong nakita niya sa kay Nerd? Ang baduy baduy nito eh! HAHAHAHAH natatawa nalang ako. Ewan isa silang malaking joke!



Umalis na ako at natatawang tinanaw sila sa malayo. Grade 11 ang nais! HAHA



Pero ewan ko, at bakit iritado ako sa buong laro namin ng volleyball. Nainis pa saakin ang mga kagrupo ko dahil sablay ang laro ko. Natalo kami at mababa ang nakuhang grade! Gosh, really?



What's my problem?

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now