Chapter 4

112 11 0
                                    

Chapter 4

Flirt.

Pag karating namin sa kusina ay may nakahandang luto'ng ulam na pala doon. Nalaman ko din na tuwing 6 am to 7pm lamang ang mga katulong niya dito. Maliban sa mga guard na nakakalat sa buong paligid ng bahay na ito dahil nga hindi naman ako nandito para mag "bakasyon" lang. Naalala kong may pinagtataguan nga pala ako.



Pagkatapos kumain ay tumawag si daddy saakin. Tinanong lang kung okay ako. At puro bilin saakin na magpaka tino dito.



Sa sobrang lamig at calming ng lugar ay mabilis din akong nakatulog noong gabi. Pagkagising ko ay tulala ako at nagpaplano kung ano ba ang mga gagawin ko ngayong araw. Bumaba na ako at nakitang nagkakape na si Chain sa malawak na hapag.



His legs were spread apart. And seriously reading his book. Nagulat din ako at may suot siyang salamin ngayon. I reminded him of the past style he has before o kung style pa ba ang tawag doon.  Kitang-kita ko na talagang nag grown up siya from patpatin noon. Ngayon ay medyo nagkalaman na siya at naging malaki ang katawan but manly at the same time.



Umubo ako at agad na nagtama ang tingin namin. Seryoso lamang siya. Nagtaas naman ako ng kilay.



" Anong balita kay Zane? Nahuli na ba? ” sabi ko. Paguumpisa ko ng usapan.

Pero may lumapit sa aking katulong hindi ito iyong kahapon na maid. Medyo strikto itong tingnan kumbaga sa maid kahapon na may pagka masiyahin tingnan.



“ Gusto mo po ba ng kape hija?” umiling ako



" Hindi ako nagkakape " sagot ko at inilipat na ang tingin kay Kaden. Nagaantay ng sagot sa tanong ko.



" Kung ganon ano ang gusto mo?" parang irita pang sabi noong katulong. Dahil hindi ko siya binibigyan ng oansin. Tinaasan ko ito ng kilay.



" Bigyan mo nalang ako ng gatas"  sabi ko para umalis na siya sa harapan ko. I am not being rude. Buti nga at medyo kalma pa ako ngayon.



" Hoy! Kaden tinatanong kita!" tuloy lang kase siya sa pagbabasa sa hawak niyang libro. Ano ba naman to! Yohooo I'm here!



" Hindi pa" simple lang niyang sinabi. Ni hindi nga manlang tumingin saakin. Doon lang naka focus ang mata niya sa binabasa niya.



Kaya naman lumapit ako sa tabi niya at doon naupo. Doon lamang siya tumingin saakin. I gave my sweetest smile at him. Ayan Kaden give all your attention to me! Umiling lamang siya at agad na bumalik sa pagbabasa. Wala na namang pake alam saakin.  KAINIS!



Sumimangot ako at pumalumbaba nalang sa lamesa. Ang boring niya! NERD! Nagsimula akong kumain ng hotdog and egg na almusal.



Naalala ko nga pala na may daplis siya ng bala noong last engkwentro nila laban kay Zane! Agad akong lumapit lalo sakanya at tiningnan ang braso niya. Napahinga ako ng malalim.



ANG LAKI DIN!  Nooooo! Yung sugat dapat ang tingnan hindi yung braso niya enebeyen!



"Ano ba!?" medyo napalakas ang boses niya. Hindi ko siya pinansin at tinignan ang sugat niyang pa hilom na.



" Buti nalang galing na pala yung sugat mo. Masakit pa ba?" tanong kong nakanguso sa harap niya. Actually nakaka guilty kase nagka sugat siya dahil saakin. Niligtas niya rin ako. Dalawang beses na. May utang na loob ako kanya. Kaya medyo babait na ako ngayon sakanya. Medyo lang.



" It's okay ” nagiwas siya ng tingin at napainom na lamang ng kape.



“ Grabe! Hindi ko talaga inaasahan na ganoon si Zane! " umiling iling ako.



“ You and your stupid boys " irap naman niya sakin.



“ Uyy, Ang sweet naman niya noong una. Pero may mga times na nasasakal na ako sa mga pagbabawal niya sakin like duh! Mga kapatid ko nga sinusuway ko siya pa kaya?!” Hindi ko maiwasang mandiri kapag na aalala ko ang mga alaala namin.



" Dapat sayo hindi pinagboboyfriend!"  bigla niyang sinabi sa kabila ng pananahimik niya.



" Ano naman sayo kung mag boyfriend ako?" Nasa akin na ngayon ang mga mata niya.  Nagtaas ako ng kilay.



Umiling siya at tumayo na. Tapos na atang mag almusal.



“ Hoy!" hindi na niya ako nilingon at iwinagay way lang niya ang hawak na libro saakin. Bahala siya! Buti nga nag-eeffort akong kausapin ang isang katulad niya! Boring!



I spend may whole week in my room. Kausap ang mga friends ko through Internet. At ngayon lang nila nalaman ang tungkol kay Zane dahil pinabalita ito sa T.V Minsan naman ay tulog lang ako ng tulog. Mawawala na ata eyebags ko kakatulog dito. Minsan nagpupunta sa movie room dito. Sosyal nga at kahit balubundukin dito ay may wifi naman nakakanood ako sa netflix pag trip ko.



Hindi naman ako makapag post ng mga pictures ko dahil baka matrace ito ng kung sino at malaman pa kung nasaan ako. Want ko pa naman sanang mag picture sa sarili ko! ang instagramable pa man din ng tanawin!



I'm so bored! Kaya nagpasya na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas para makakita naman ng magandang tanawin. Medyo narerelax ako sa papalubog na araw.



“ Nay Elma, Nagluto nga pala ako ng sinigang na baboy para kay Kaden ibibigay ko lang ito. Alam ko kasing paborito niya ito eh”  may isang tinig ng babae akong narinig malapit sa malaking gate ng bahay. 



Lumapit ako doon at nakitang kausap noong mataray na mayordoma ata ng bahay na ito. Elma ang pangalan. Kausap nito ang isang morenang babae nakapusod ang kalahati nitong buhok at nakasuot ng puting bestida na bagay na bagay sa kulay niya.



Nagtama ang tingin namin noong babae.



“ Naku Mia Salamat! andoon si Sir Kaden sa loob ng office niya halika at tutulungan kitang ihanda yan. " sabi ni Elma sa kay Mia parang napakabait ng tungo sa babae. Nginitian ako ni Mia tiningnan ko lamang siya at ngumiti na din ako.



“ Ikaw pala ang sinasabi ni Kaden na pansamantalang tutuloy dito sa Casa Navarro” tumango ako. Walang gustong sabihin. May sasabihin pa sana siya ng nakita kong magliwanag ang mga mata niya sa kung sino ang nasa likod ko. Napalingon din ako at nakitang si Kaden iyon.



Pinagmasdan ko si Mia na namumula habang iniaabot kay Chain Aiden ang luto niyang Sinigang na baboy. Umirap ako ng nakitang nagkakatuwaan sila doon. Ngayon ko lang din nakita si Chain na nakangiti. Biglang umasim ang pakiramdam ko at naglakad papunta sa itaas para saaking kwarto.



Nagbago na nga siya!



“ Flirt! ”

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now