Chapter 6

103 10 0
                                    

Chapter 6

Cry.

“ Bakit ko ba napanaginipan yun?” nakahiga pa din ako sa kama habang hawak ang nakirot na ulo ko. Ewan ko ba at parang nanlalambot ako ngayong araw. Kinapa ko ang leeg at noo ko pero wala naman akong sakit.



Bigla kong naalala ang tungkol sa panaginip kagabi. Bigla na naman akong na guilty. Kinalimutan ko na yun eh! Why will it show in my dreams? Ni hindi ko na naman iniisip yun!



Tumayo ako at huminga ng malalim. Kailangan kong bumangon ng maaga nagiisip kase ako ng gagawin at ang una kung gagawin ay ang mag jogging.



Nag stretching muna ako para iwas sa sakit ng katawan. Baka kase mabigla ang katawan ko dahil ilang weeks din akong nakahilata lang dito.



Habang nag jo-jog ay ine-explore ko din ang paligid. Walang katao-tao sa isang diretso'ng patag na daan at pinag gigitnaan naman ng mga farm. May mga nakikita naman akong bahay sa malayo hindi nga lang kasing laki ng Casa Navarro. Balita ko ay pagaari nila Chain ang palayan na ito. Tsk! Ang yaman din ng lalaking yun eh!



Mga isang oras ata akong nagjojog at pabalik na ako ngayon. Pinagpasalamat ko na hindi ako naligaw. Isang diretso lang naman kase ang daanan kaya hindi na din ako nahirapan. I realize i should exercise more often para may pagkaabalahan ako sa umaga.



Pumasok na ako sa loob ng Casa Navarro. Nakita kong nag aalala at nagpapanic ang mga kasambahay. Nagtataka akong lumapit sakanila.



“ Anong meron? ” Sitsit ko sa kilalang maid. ito yung gusto kong katulong na mukhang masiyahin. Hindi nga lang masaya ang mukha niya ngayon dahil mukha siyang kinakabahan.



“ Andito kana pala ma'am! Naku san po kayo nagpunta? Nag aalala po si Ser!”



Si Chain? “ Nag jog lang ako sa labas ” prente kong sinabi. Tsaka ko naman nakita ang seryosong si Chain. Parang galit.



“ You should tell me Shan! Paano kung may mangyare sayo?” naglakad ito papalapit saakin. Galit nga. Agad naman nag init ang ulo ko. Ano? kailangan updated siya sa mga gagawin ko? Asshole!



“ Ano bang pake mo? Wala naman nangyare'ng masama saakin ahh?” sabi ko at nilagpasan siya para kumuha ng tubig sa ref.



Sinundan niya ako.



“ Sa susunod ay magsabi ka! hindi yung bigla ka nalang mawawala! ” Iritado pa din ang kanyang bosses



“ If you're worried about me because i am your responsibility. then, don't Chain! Hindi ko ginusto na sayo ako ipabantay nila daddy. At sa tingin mo masisira kita sa paningin nila dahil may mangyare saaking masama then wag kang mag alala dahil ako pa ang magsasabe na ako ang may kasalanan at labas ka na doon. ”



“ Ano'ng labas ako doon? Nasa puder kita ngayon kaya talagang mananagot ako kung may mangyaring masama sayo!”



“ Okay fine! Trabaho mo nga pala yan! Magkano ba binayad sayo nila daddy huh? Mukhang pera! Tsk”  parang napigtas ko nanaman ang pasensya nya. Kaya medyo kinabahan ako ng lumapit siya saakin at inilapit ang katawan niya sa katawan ko.



“ Ang tigas tigas parin talaga ng ulo mo no?” 



“ if inaasahan mong ituturing kitang prinsesa dito katulad ng turing sayo ng mga kapatid mo ibahin mo ako Shan!”  tinutulak ko ang katawan niya paalis saakin dahil baka makita niya ang namumula kong mata. Maiiyak pa ata ako sa harapan ng lalaking to!



“ At para sabihin ko sayo hindi ko kailangan ng pera ng tatay mo. I'm just here for the favour he asked from me.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.



“ T-then bakit mo tinanggap?! Baliw ka pala eh!” suminok ako habang nagsasalita hindi ko na napigilan ang sarili ko.



“W-hy are you.....” Nakita ko ang gulat sa mata niya sa pakakakitang umiiyak na ako. Hindi na ako nahiya kaya naitulak ko na siya palayo saakin nagtagumpay naman ako doon.



“ I really hate you! " kasabay noon ay umalis na ako sa harapan niya at nagkulong na sa kwarto.



Ewan ko at nakatulugan ko nalang ang pagiyak ko. Pagkagising ko ay ang siyang pagkalam ng sikmura ko. Gutom na gutom ako at halos di ko maigalaw ang mga braso. Ano ba to?



Ashoooo! 



Wait.. What? May ubo ako?



Agad kong kinapa ang sarili. Shucks! Nilalagnat ako! Omygulayyyy tinatamad akong bumangon sa higaan ko. Paano na to? Kumakalam na din talaga ang sikmura ko dagdagan pa ng kumikirot na ulo. Ansaket din ng binti't braso ko! Napasama pa nga yata ang pag exercise ko kanina. Suminga ako dahil hindi na ako makahinga dahil sa sipon ko.



Mama help me! Maiiyak na ako sa sobrang gutom. Huhu



Balak ko sanang magpadala nalang ng pagkain pero sinong tatawagan ko? Out na ng mga  katulong ni Chain kanina pa.



Si Chain! Nasaan si Chain?



Nag away nga pala kami kanina. Kaya baka galit pa yun saakin. Gagi, galit din ako sakanya! Pinaiyak niya ako hayop siya! Ay bahala na! Bababa ako!



Pinatay ko muna ang aircon sa kwarto ko at medyo nilakihan ang bukas ng bintana para pumasok ang hangin. Tsaka ko kinuha ang puti kong kumot at ipinandong sa ulo ko tsaka ibinalot sa nanlalamig kong katawan. Grabee nararamdaman ko ang init ng hininga ko.



Para akong suman na bumangon sa kama sa ayos ko. Eh sa nilalamig ako eh! Pahirapan nga lang sa pagbaba ng hagdan.



“ Hassle!” pero buti at nakababa na din sa wakas.



Sana may kanin at ulam na tinira si Chain Aiden sakin! Baka inubos niya lahat para di na ako makakain. Ansama niya! 



Pagkatingin ko sa kitchen ay nandoon siya! Nagtama ang tingin naming dalawa. Uh huh, may gana pa siyang titigan ako ha? Di kami bati noh! Umirap ako. Tingin tingin mo jan! Gusto mo? Luh asa ka!  Haysst!



Hindi ko nalang siya pinansin at naghanap ng plato. Gutom na ako at nagningning ang mata ko nang makitang may menudo pa sa lamesa. Kumuha ako ng kanin at kumain na. Nakatingin parin siya sakin. Ano bang tinitingin tingin niya dyan? Ganda ko ba? Sus! Maliit na bagay!



“  I'm sorry...”.



ANU DAW!?

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now