Chapter 8

82 10 0
                                    

Chapter 8

Mangoes.

Namulat ko ang aking mata at nakitang nasa sofa pa din ako. Naramdaman kong medyo pawis ang kamay dahil  magkasalikop ang kamay ko sa kaliwang kamay ni Chain. Tiningnan ko ang ayos niya na nakaupo sa sahig nakasandal ang ulo sa siko ng sofa.



Ngumiti ako. Inalagaan niya ako kagabi. May tinatagong bait din ang isang to ah. Akala ko papabayaan niya ako dahil sa sagutan namin noong gabi. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo.



Gwapo! Makapal at black na black ang kilay nito! May malalantik na pilikmata. Nakakaingit! Pulang mga labi. Bagay na bagay ang kurba ng panga niya sa mukha niya. Ni-trace ko ang matangos nitong ilong. Wow! Ang pogi talaga!



Kinuha ko ang cellphone ko at agad siyang kinuhanan ng larawan. Agad kong inilihis iyon ng makita niya pinipicturan ko sya.



“ Good morning!” masigla kong sabi. 



“ Morning”  Sabi niya kahit na may nangaakusang mga tingin. Nakita niya nga atang kinuhanan ko siya ng picture.



“ You stole a picture of me while i'm asleep? “  nagtaas siya ng kilay.



Ngumuso ako “ Yes”


“ Delete it Shan... ” sabi niya at binalak pang kuhanin ang cellphone niya na nasa kandungan ko.



“ I won't! Bleeh!”  Dumila ako sakanya na parang bata! Silly. Umiling siya at nagulat ako ng may nakitang ngisi sa labi niya.



Ngumiti din ako. Hindi ko buburahin ito Chain Aiden.


“ Are you okay now?” Tanong niya. Tumango ako sakanya at tumayo na.



Naging maayos na ang pakiramdam ko. Pero hindi na muna ako nag ehersisyo ngayong araw at nag isip nalang ng ibang pwede paglibangan.



Nakita kong may puno ng mangga sa may gilid ng resthouse. Parang tinatakam akong kumain nun. Pero hindi ko naman kayang kumuha ng ako lang kaya naman..



“ Marya!” Tawag ko sa kasambahay na paborito ko. “ Marunong ka bang manguha ng mangga? Or may panungkit ba kayo dito?” Tiningnan ko  pa ang paligid  baka sakaling may lumabas na panungkit doon haha!



“ Mangga ma'am? Naku gagawa po ako ng panungkit para sainyo! ” Sabat ng isang Boy dito na nag ngangalang Tonyo. Halos kabisado ko na ang mga pangalan ng mga ilang katulong ni Chain dito no! Medyo lang naman. Yung iba kilala ko sa mukha. Yung madalas ko lang na nakikita na pauli-uli dito sa bahay ang kilala ko.



“ Naku talaga? Salamat Tonyo!” Pumalakpak pa ako at hindi na makapag hintay na makakain ng mangga. Oh my god I can feel myself salivating because of those green mangoes!



“ Ano yan Tonyo?”  lumabas ng pinto si Chain. Nakatingin sa kay Tonyo na nag papako ng dalawang pinagdikit na mahabang patpat para gawing panungkit.



“ Gusto po ni Mam Shan ng magga ser!” Medyo nahihiyang sabi ni Tonyo pero tuloy pa rin sa pag gawa ng sungkit. Umupo ako sa isang monoblock sa Terrace para doon nalang maghintay sa mga nasungkit na fresh mangoes. 



Lumipat ang tingin saakin ni Chain. Agad din niyang iniwas ito at ibinalik ang tingin sa kay Tonyo. “ Tama na yan Tonyo. Bumalik kana sa trabaho mo ”



“ P-pero ser...”  Aangal na sana si Tonyo. Pero walang sinabing inakyat na ni Chain ang puno.



What the?



Sobrang bilis ng pangyayare. Akala ko ay hindi niya kakayaning makaakyat ang puno dahil sa sobrang laki at ang taas din nito. I literally saw his muscles flex because of his sudden movements! Halos malaglag ang panga ko.



“Shet laki ng braso!” Hindi ko na alam kong nasabi ko ba yun out loud or what.



Pero nakita kong nagsitinginan saakin ang mga katulong na nanonood din. Hindi ko nalang sila pinansin. I just flipped my hair at nagulat nalang ako at may nakahain ng mangga sa tapat ko. 



“ You should've told me na gusto mo pala niyan. There you have it”  Tumaas ang kilay niya saakin.  Well, impressive! isa na pala siyang certified unggoy ngayon? Halos matawa ako sa sarili kong naisip.



“ T-thank you..” Para saan nanggaling ang pagkakautal mo Shanon? Ha?  Ha?



Iniwan na pala kami ng kasambahay dito. Kaya kami nalang ni Chain ang nasa terrace. Ngumuso ako dahil hindi ako marunong magtalop nito. Naalala ko tuloy noong last na gumamit ako ng kutsilyo na scratch ko yung darili ko kaya di na ako umulit. Pwe!


“ Ako na ang magbabalat”  mukhang nabasa naman niya ang naiisip ko kaya buti nalang at nag presinta na siya.



“ Thank you din kagabi ahh” bago to ahh.. Panay na ang thank you ko sa kanya ah? Well, deserve naman kase niya yon. Dapat lang na magpasalamat ako dahil inalagaan niya ako kagabi.



“ Welcome” Nagkatinginan kami. Seryoso lang naman siya. Ako naman medyo nailang sa titigan. Wooooh! Ano yun? 'Bat biglang hindi na ako makahinga dito? Hooooo! Nagiwas nalang ako ng tingin at yumuko para di mahalata na di na ako makahinga dito.



What's happening? 

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now