Epilogue

137 15 0
                                    

Thank you for reading! This is the last chapter of Captive Heart! This is Chain Aiden Navarro's Point of view. See you on my next one! Enjoy ^_^<3<3

Epilogue.

" Nakita mo yung itsura noong isa? Anong akala niya uurungan ko siya! Duh!" Pawis na pawis ang babaeng pumasok sa classroom namin. Kasama niyang pumasok ang dalawang babae'ng madalas na naka buntot sakaniya. Parehas itong namamangha sa gilid niya parang naniniwala ito sa lahat ng sasabihin niya.


"Tabi nga!" Umalis ako sa harap niya at umupo nalang sa Tabi niyang upuan. I don't know but every year, siya ang nakakatabi ko sa upuan. Ewan ko kung bakit. Hindi ko alam kong napapansin niya ba yun. Siguro hindi. Ni hindi niya nga ata alam ang pangalan ko.

Maayos naman ang pagaaral ko sa School. Sinisipagan ko talaga. Dahil hindi naman kami ganon kayaman. May kaya lang. Kaya itong pagaaral, pinagbubutihan ko talaga.

"Psst! Nerd Alam mo kung paano sagutan yung math? Di ko gets eh!" Nagulat ako nang bigla niya akong kuhitin.

Laglag na laglag ang maalong buhok niya. Mapula ang labi. Maganda. Pero yung ugali, Hindi. Iyon talaga ang una ko'ng impression. Wala naman kase akong narinig sa kanilang mag babarkada kung hindi away sa kabilang section. Mukhang hindi din magaling sa pagaaral kaya di alam sagutan ang simpleng matimatika!

" Hindi ko alam" Sinabi ko nalang at nagaayos ng mga libro ko.

" Anong hindi?! First Honor ka kaya namin. Ikaw pa ba?" Ngumiti siya.

Nagtagal ang mata ko sa mga ngiti niya. Alam niya palang ako ang Honor Sa classroom namin? Or sinabi niya lang yon para turuan ko siya?

" Andaya mo! pero sila Andrea tinutulungan mo! Bet mo ata yun eh! Eh ang pangit pangit naman non. Mas maganda pa ako dun" Lumabi siya sa harapan ko.

Hindi ko alam sa babaeng ito. Minsan kinakausap ako at kapag nandyan ang mga kaibigan niya. Halos hindi niya ako kibuin. Tsk. I know this.

" Ano yan Hentai?" Bigla niyang sabi. Halos magpantig ang tenga ko! Why did this girl have a foul mouth like this huh? Kababaeng tao.

"Ang bastos ng bunganga mo" kumunot ang noo ko at pilit ibinabalik ang atensyon sa pagbabasa kahit na hindi na talaga ako makabalik doon.

" May assignment ka na? Pakopya!" Sabi niya at inilabas ang notebook sa math.

" Ayoko" sabi ko.

Ayoko na, dahil umaasa nalang siya sa mga sagot ko. Marunong naman siya eh. May mga time na naturuan ko siya noon sa groupings namin at ako ang na-assign sakanya. Fast learner.

May utak, pero hindi ginagamit. Paano, puro lakwatsya at pagbobo-boyfriend ang inaatupag. At sinisita ko minsan ang sarili ko sa pagiisip sa mga lalaking pinaguusapan siya kung gaano daw kaganda at kagaling sa lalaki ng isang Villiasis na yon.

Kung ako naging boyfriend nyan....

"Please"

Bumalik ang atensyon ko sakanya sa kabila ng malalim na iniisip. Napa-Oo tuloy ako ng wala sa oras dahil sa kahihiyan sa naisip. Napahawak ako sa batok at napahinga ng malalim ng...

She kissed my cheeks! Mabilis lang pero halos niyuyugyug ang mundo ko. What the fuck! Minsan nakikita kong malapit at touchy siya sa ibang lalaki. Pero ang halikan ng bigla bigla ang isang tao na hindi mo naman kaano-ano hindi dapat ganun! Sa kabila ng debate sa utak ko ay napatayo ako at hindi magkakailang namumula ang mukha sa nangyare!

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now