Chapter 13

86 10 0
                                    

Chapter 13
Crush.

    I DON'T KNOW where are we now. Basta sabi daw ay malapit na kami. Nagising ako nang naka akbay na sa balikat ko si Chain at ako naman ay naka sandal sa balikat niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

    

Uminit ang pisngi ko. Why am i feeling this way? Aware akong iba ang turing ko sakanya kapag nasa harap na kami ng mga friends ko. At sa tuwing lumalapit ako sakanya alam kong galit siya saakin dahil doon. Pero mabait parin siyang makitungo. I don't know. Maybe, ayoko lang na asarin ako ng mga kaibigan ko dahil mabait ako sa kaniya.




“ Gising kana, You like?” Anyaya ko kay Chain sa tabi ko. Nakain kase ako ng banana chips. Favourite ko.



Tiningnan niya ang relo niya at inangat ang makapal na salamin para makusot ang mata.



“ Sige lang..”

Ngumuso ako.



“ Thank you ulit. Sa hmn. Earpods” ibinalik ko iyon sa kamay niya.



“ Walang anuman” sabi niya at nilagay na ito sa pocket ng bag niya.



Tahimik na ulit kami. Mga ilang sandali lang eh dumating na kami sa camping site. I LOVE MAJAYJAY. ito ang nakita ko sa daan. Diniretso namin ang daan at nagsibabaan na. Mahaba pa ang lalakadin para makapunta sa pinakaloob.



Maayos naman ang daan. Minsan lang ay natatakot ako dahil madudulas ang bato doon.



“ Students! Ingat sa daan ah? Humawak kayo sa lubid sa gilid.” Paalala ng facilitator namin.



“ Ano ba yan! Naputikan yung shoes ko! Ewww”  Natatawa ako sa kaartehan ni Shaina. Umirap siya saakin nang makita akong tumatawa sakanya.



“ You're not helping me Shan!”  naiiyak niyang sabi. Lumapit sa kanya si Evan na natatawa din pero tinulungan niya naman ito sa paglinis. Umiling ako. Sinong tanga ang mag wa-white shoes dito?



Dahil nasa kanila ang atensyon ko hindi ko na malayang may bato pala na naka usli sa harapan ko kaya naman inaasahan ko na ang pagplakda ko pero may sumalo saakin sa likod. At pareho kaming nahiga. Siya sa batong daan. At ako na nakapatong sa harap niya.



Nakita kong nagkagulo ang ibang studyanteng nakatingin lang saamin.



“ Uy kawawa si Nerd!”



“ Uy tulungan nyo!”



“Hoy! Buhay pa ba yan?”



“ Bro? Ayos ka lang bro?” dinig kong bulong bulong ng mga nakapaligid saamin. Dinama ko ang pwitan ko. Ouch!



Magpapasalamat na sana ako ng makitang si Chain Aiden iyon at iniinda ang masakit na balakang. Iniligtas niya ako. Kumbaga sa sakit ng pwitan ko. Wala na akong ibang nararamdaman dahil sa kanya naman ako bumagsak. Pero siya sa mismong bato.



“ I'm sorry! Are you okay?”



kinapa kapa ko ang braso niya or baka nagkasugat yung ulo niya. Agad naman akong kinabahan. Nag aalala ako baka may bali sa buto niya or something.



“ I'm fine.” sabi niya.



At tumayo na para lumakad palagpas saamin. Saakin... Pero makikita mong may masakit talaga sa balakang niya. Ewan ko pero bigla akong nagaalala. Bakit kasi... Ano bang ginagawa niya sa likod ko? Hay! Pero kung wala siya doon malamang sa malamang baka bagok ang aabutin ko.



“May moment pala kayo ni Nerd kanina ahh. Parang sa mga kdrama lang” Si Evan sa harap ko nagawa pang tumawa. 



“ Ugly Prince charming” Irap pa ni Vera.



Ako naman naiinis na sa mga sinasabi nila. Nasaktan na nga kami pangangasar pa ang inuuna nila! Hindi ba nila muna tatanungin kong okay ako?



Galit ko silang tiningnan. Patuloy lang ang tawa ng dalawa. Habang si Shaina ay seryosong nakatingin saakin. Parang binabasa ang kung anong nasa isipan ko. Nagiwas ako ng tingin ng parang may napapansin na siya.



“ Are you worried Shan?” ngumisi siya saakin. Nangaasar.



“ I don't want to play around. Shaina”  I rolled my eyes at her.



Maglalakad na sana ako at tatalikuran na sila  pero hinawakan ni Shaina ang kamay ko para di ako makaalis sa harapan niya.



“ You think i didn't know what's happening between you and that nerd?” nagtaas siya ng kilay at nakakainis ang mga ngiti niya.



“Tell me shan, Do you like him? ” Humalakhak pa siya sa harap ko. Kumunot ang noo ko. I don't know pero naiirita ako sa mukha niyang sarkastiko ngayon.



“ Ang cheap mo naman when it comes to boys Shan, Halatang gusto mo eh” kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Parang nasapol niya kong ano man ang mga bagay na nagpapagulo saakin these days.



“ Halatang halata ka Shan. Nakakadiri”



“ Ano naman sayo yun? Don't me Shaina, Ikaw ang nakakadiri dahil dyan sa ugali mo” nilagpasan ko siya at sinanggi ang balikat niya para makadaan ako.



“ Oh! So inaamin mong gusto mo nga siya! Sus Kunyare ka pa! Malalaman ko din ang iba pang baho mo Shanon! Tsk! Magsama kayo ng nerd na yun! ”  Iritang sabi ni Shaina.




Kaibigan ko ba talaga siya? I'm not really very close with Shaina or kay Vera pero ang tanda ko ay simula 1st year palang ng high school ay magkakasama na kami. At first i initiate the “pagiging” mean girls namin sa school. Hindi ko naman alam na natural na ugali na niya pala yon!



At malalaman niya din ang iba pang baho ko? Really? Pathetic!



Lonely ako buong camping. Hindi ako pinapansin nila Shaina. Mukhang minanipula na niya din si Vera at Evan na huwag akong kausapin. Tsk! Napaka bruha ng babaeng yon!



Hindi ko alam kung paano itatayo yung tent kaya hinagis ko yun at iritang umupo sa malaking bato. Medyo madilim na at kanina pa tapos ang ilang pa activity. Halos wala akong gana. Iniisip ko padin kase iyong sinabi ni Shaina. May gusto ako kay Chain? Paano? Ipinatong ko ang palad ko sa dibdib ko.



Kumakabog ng malakas yon.



Di nga!? Wehhh? Uminit ang pisngi ko.  Ewan ko. Nagagalingan ako sakanya. First honor namin siya kahit tahimik lang siya sa gilid. Lagi niya akong pinapakopya sa math. Pag may hindi ako maintindinhan tinuturuan niya ako. Kinukulit ko siya lagi pero never siyang naiinis saakin. Siguro dahil doon kaya nagustuhan ko siya.



“ Ano nang gagawin ko ngayon?” tinakpan ko ang mukha ko. Miserable. Pero nakangiti parin. Kinikilig. Baliw na ata ako. Tama nga ata si Shaina gusto ko si Chain.



“ Kailangan mo ng tulong?” Lumapit saakin si Chain Aiden. Kinagat ko ang labi ko at tumango sakanya. Hindi ko na alam ang iaakto ko sa harap niya ngayon. Pero sa kabila noon, Gusto ko siyang makasama.



Kaya naman kahit kinakabahan. Nag initiate akong mag open ng topic para makausap siya.

 

“Uh, Salamat nga pala kanina. Okay ka lang ba?” Tanong ko habang tinutulungan na din siya sa pag ayos ng tent.



“ Oo. Ang bigat mo pala.” Mahina siyang tumawa. Parang nag slow mo ang nasa paligid niya at tanging siya lang yung nakikita ko. Parang napapaso akong nabitawan ang manipis  na bakal na pundasyon ng tent at umatras palayo ng kaunti sakanya.



Ano yun?!



“ Bakit?” naguguluhan niyang tanong. Kaya sunod sunod akong umiling at tumalikod saglit para pakalmahin ang sarili ko. Am i really having a crush on him? Oh my ghaddd!



“W-wala bilisan na natin” nakatungo kong sabi. Tumango siya at nagpatuloy nasa pagaayos.



<3

Captive Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now