Pagina Cuatro

3.5K 75 7
                                    

Last flashback chapter. Next chaps will be present time na. Sorry for the slow update. Just got busy with school works. Well here you go! Enjoy reading.

--

"Oh, na-brief na kayo sa mga sasabihin niyo ha. Good quali, sweetness at admiration. Yun ang tatlong points ng interview na to."

Yan ang mga sinabi samin ni Kuya Dho before kaming isalang sa interview. Paulit-ulit na nga. Palibhasa alam nilang baka sumablay to kasi nga naman pagsisinungalingin nila kami.

Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Daniel pero ramdam ko ang coldness niya. Ayoko rin naman sa ganitong set-up pero mas ayaw niya talaga. Lalo pa at narinig ko sina Kuya Dho at Tita Karla (Oo, Titan a pinapatawag niya para daw mas kapani-paniwala.) na nag-uusap tungkol kay Daniel. May iba siyang gusto. Balak na niyang ligawan pero dahil sa picture na yon hindi niya na magawa.

Pwede naman niyang gawin pero at risk yung magiging relationship nila kasi lahat ng mata nakatutok samin. At hanggang ngayon hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung paano naming maitatawid ang interview mamaya kung ganito ang treatment namin sa isa't isa.

---

"For the first time on national TV, they'll speak about their real status! The phenomenal love team, KathNiel!"

"Hi Kathryn Romualdo and Daniel Revilla. How are you both?"

"Hello Tito Boy. I'm fine, we're fine right Kath?"

Ngiting-ngiti si Daniel. But I know behind those smile is the sarcasm and pain he's feeling right now.

"Yes Tito Boy. We're very much fine and overwhelmed regarding the attention we are receiving."

"Tungkol dyan, hindi na tayo magpapaliguy-ligoy pa. Ito talaga ang tanong na hinihintay ng sambayanan..

Pinisil ni Daniel ang kamay ko. Maging ako ay kinakabahan. Ito na talaga. Dito na magsisimula lahat ng pagpapanggap namin. Ngayon pa lang nagsosorry na ako sa mga fans namin.

..Kayo ba Kathryn at Daniel ay may relasyon na?"

Love Team ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon