“Break muna tayo guys. 15 minutes then after that resume na ok?”
Binigyan kami ni Direk ng 15 minutes break. Third taping day na namin para sa Growing Up. I must say hindi ako ganoong ka-confident sa ginagawa ko ngayon. Kanina nga napagalitan kami ni Daniel ni direk eh. Parang wala daw kaming substance mag-act. Paano ba naman kasi hindi naman kami close eh. Hindi kami comfortable sa isa’t isa so how can we make a good scene?
Ang ipinagatataka ko lang ay nung pinaalabas ang pilot episode namin eh ang daming feedback na kinilig raw sila sa amin ni Daniel. Hindi man karamihan eh nagkaroon agad kami ng fans. KathNiel ang itinawag nila sa amin. Akalain mo yon? Hindi man kasing sikat noon ng KathBie at least may nakaappreciate kahit na parang wala namang koneksyon yung mata naming ni Daniel kapag umaarte kami sa harap ng camera.
Lahat kami ay naguusap-usap sa isang tent. Ay hindi pala. Mag-isa si Daniel dun sa kabilang sulok. Ayaw yata kaming kasama.
“Pst Kath.Lapitan mo na.”
Siko sa akin ni Neil sabay nguso sa nakayukong Daniel.
“Bakit ako? Bakit ‘di na lang ikaw? Babae kaya ako. Baka isipin pa non feeling close ako. Like duh?”
“Aish. Paano nga kayo niyan kung ganyan pride mo. Una ka ng pumansin. Tutal mas sanay ka na at partners naman kayo eh.”
Umiling ako at tinalikuran na lang si Neil. A-YO-KO. Sa ganyang ugali niya, alam kong iisipin niyang FC ako or something like that. Siya mauna. Tsaka ang pangit tingnan na unang move babae. Tutal naging part ako ng Mara Clara papanindigan ko na ang pagiging Mara Clara ko.
Nakita kong nilapitan siya ni Neil at EJ. Nag-uusap sila at maya-maya eh nagtawanan na. Aba at close agad silang tatlo. Tumayo sila at unti-unting lumapit sa pwesto namin nina Julia.
Hindi ko alam kung paano pero biglang close na kaming lahat. Nagkakatawanan sa jokes at kalokohan ng boys. Masasabi kong at ease na lahat though hindi kami ganoong close ni Daniel. Siguro nasa friends-stage pero wala sa close friends-stage. Hindi ko kasi talaga gusto yang kaangasan niya.
--
May guesting kami ngayon sa ASAP.Kami yung tambay ngayon sa ASAP Chillout. Syempre promotion ng Growing Up. As usual magkatabi kami ni Daniel. Si Robi yung magtatanong sa amin.
“So tell us about yung love teams sa show niyo? You first Kathryn.”
“Uhm kasi kami ni Daniel dito para kaming aso’t-pusa.”
“So parang madedevelop kayo as the story goes?”
“Yun ang kailangan nilang abangan!”
After kong sagutin yon eh sumagot na rin sina Julia at Kiray as well as the other boys. Tuluy-tuloy lang yung flow ng interview at medyo naiirita ako dahil parang may something sa buhok ko. So since si Daniel yung katabi ko ay sa kanya ko pinatingin kung ano yung something na meron sa buhok ko. Kinulbit ko siya at bumulong.
“Daniel. Pakitingin naman kung ano meron sa tuktok ng buhok ko oh. Para kasing may gumagapang eh.”
“Baka may kuto ka.”
Sinabi niya yan ng hindi tumitingin sa akin. Kinurot ko nga.
“Peste.Wala no! Tingnan mo kasi. Please?”
Umirap muna siya bago niya tiningnan at inalis sa buhok ko yung parang mahabang tali na himulmolata sa headband ko. Matapos niyang gawin yon eh huamarap na ulit siya kina Robi at nakipagatawanan.
Angas talaga. Naputol yung pagpatay k okay Daniel sa isip ko sa tinanong ni Robi kay Daniel dahil nabanggit yung pangalan ko.
“May namumuo na bang something sa mga love teams ditto? Alam niyo na. Kayo Daniel at Kathryn?”
Hindi mapakali sa Daniel at yumuyuko lang. Nung inulit ni Robi yung tanong eh nag-angat ng tingin si Daniel at bumaling sa akin. Tinititigan niya ako ngayon. I don’t know saglit lang na titig yon pero parang ang tagal para sakin. There’s something about his stares that made me unable to look away from his gaze.
“Hindi ko alam eh. Hindi ko pa masasabi sa ngayon.”
And with that answer, I don’t know. I find myself staring at his side feeling uneasy the next moments.
Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance of characters to actual persons, living or dead is purely coincidental. The Author holds exclusive rights to this work. Unauthorized duplication is prohibited.
PS: Not everything written had happened between the characters involved. Some may be a basis while some are purely fictional. Thank you.