Primera Pagina

6.3K 96 13
                                    

"Ganito lang ang gagawin niyo boys.Tatabihan niyo lang si Kathryn tapos balik kayo sa pwesto niyo sa likod. Kapag tapos na lahat we'll tell kung sino ang bagong leading man ni Kath. Understood?!"

Sigaw ni Direk. Last-minute preparation na kasi kaya medyo nagagalit na siya. BIglaan kasi talaga yung naging issue ni Albie. No one knows the truth kahit si Albie ay hindi nagkukwento sa amin. In the end, napagdesisyunan ng management na palitan si Albie at magpa-audition.

Heto nga ako at nakatayo sa harap nilang lahat, ng buong crew. Halos limang camera ang nakatutok sa akin. Pipili sila ng pwedeng ipareha. Tiningnan ko ang mahabang pila. Napabuntong hininga ako. Bagong adjustment to para sa akin. Kailangan ko na namang pakibagayan yung magiging kapartner ko.

"Kath, ngiti naman sa camera! Oh Paul lapit pa kay Kath!"


Nakakangawit na ngumiti. Mahigit sampu pa ata yung nakapila. Sana Lordmakahanap na sila. Hindi ko tuloy alam kung papatok ba yung love team naming gaya ng pagtanggap nila samin ni Albie. Malalim ang iniisip ko nung may tumawag sa atensyon ko.

"Oy uhm Kathryn. Tawag ka ni Direk."

Bulong sakin nung lalaki. Hindi ko siya kilala. Pero parang nakita ko na siya. Malamang Kath kasi nasa iisang station kayo. Pero di talaga siya pamilyar sakin eh.

"Kathryn naman. Focus. Pagod na tayong lahat. Magtabi na kayo ni Daniel ng matapos na."



Daniel pala. Nagtabi na kami ng lalaking to na sa tayo pa lang ay alam ko ng punung-puno ng kaangasan sa katawan. Hindi niya ko kinakausap hindi gaya nina Paul, John at iba pang nag-audition. Tahimik lang siyang sumusunod sa sinasabi ni direk hanggang sa matapos na ang time niya.

Umalis na si Daniel ng walang kalingon-lingon. Inismiran ko nga. Lord. Sana wag siya ang mapili pero I doubt rin kung nakitaan kami ni direk ng chemistry. Maryosep. Kahit siguro sauluhin ko ang buong periodic table eh wala pa rin kaming chemistry. Ang angas-angas. Psh. Sinasabi ko sa inyo hinding-hindi ko magugustuhan yang nilalang na yan.

Natapos ang buong araw ng pagngiti-ngiti ko sa camera. Bukas malalaman na kung sino ang napili sa mga nag-audition. Pero aaminin ko, sa lahat ng mga na-audition tumatak sakin yung angas na yon.

--

Nandito kaming lahat sa conference room. Ngayon daw naming makikilala yung napiling bagong love team ko. Noong sinabi kong lahat ang ibig sabihin ko don pati sina Julia, Kiray, EJ at iba pang cast.

"Everyone! The newest cast of Growing Up and Kathryn Romualdo's newest love team, Daniel Revilla. Iho, come in. Don't be shy."


Literal na nalaglag yung panga ko. Bakit itong angas na to pa? Bakit hindi na lang si John? Feeling ko naman mas bagay kami ni John ah. Naglakad na siya sa harap. OMG lang. Ang yabang maglakad. Susme. Bagay ba kami nito? Direk naman eh. Papatok ba kami eh una sa lahat ang angas niya. Pangalawa maitim kam I parehas! Bahala na si batman.

"Angas friend. Hahaha. Nice Kath.Good luck!"

Peste tong si Julia. Tumayo na kami at kinamayan si Daniel. Tinawag kami ni Direk para sa group photo. Pinagtabi-tabi niya yung mga magkakalove team at sa hindi malamang dahilan eh napasigaw si Direk.

"I knew it! Bagay talaga kayo ni Daniel, Kath!"


Sa pangalawang pagkakataon ay nalalag ang aking panga. Tiningnan ko itong katabi ko at nginisian lang ako. Angas talaga. Tiningnan ko namans I Direk na ngiting-ngiti na tinitingnan yung group photo naming. Ugh. Seriously Direk? Seriously?

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance of characters to actual persons, living or dead is purely coincidental. The Author holds exclusive rights to this work. Unauthorized duplication is prohibited.

PS: Not everything written had happened between the characters involved. Some may be a basis while some are purely fictional. Thank you.

PPS: Dedicating the story parts to all my favorite KN authors here in Wattpad. :*

Love Team ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon