"Wala kang sched today anak. No plans of going out?"
Tanong ni Mama habang nag-aayos ng agahan. It's a Tuesday morning at himala na wala akong sched. So I'm deciding on what to do today.
"Hmmm. I'm thinking of shopping Ma. It's been awhile since I bought something for myself so baka mag-mall ako later."
"Alone? Hindi ba medyo delikado yon? You're going alone. What if pagkaguluhan ka?"
"No Ma. Isasama ko si Dom. Hindi kami natuloy last time so later this afternoon kami magkikita."
Tumango-tango na lang si Mama. Naalala ko na naman kung bakit di kami natuloy last time ni Dom. Hindi ko alam kung saan ako dinala non ni DJ dahil di ko na tinanong. Kumain lang kami ni DJ tapos went for a small walk sa private park then umuwi na rin kami. Walang nagsasalita. Hindi kami nag-usap the whole time. Maliban na lang nung bumaba ako sa sasakyan niya. He just said, "Thanks Kath for this." And I ended up saying, "Take care DJ."
That's it. Pero deep down kinikilig talaga ako. Though I really found him weird that day. Naguguluhan pa rin ako. I don't know kung he's still acting out or not. Hirap niyang intindihin. I was clouding myself with those thoughts when my phone went ringing.
"Hello Kath?"
"Yes, Kuya Dho?"
"Where are you? Nasa labas ka ba ngayon?"
"Wala pa po. Pero mamayang mga 4:00 pupunta ako sa mall kasama si Dom. Why Kuya?"
"Pwede mga 6:00 mo na papuntahin si Dom. Tapos for two hours kayo muna ni DJ magkasama sa mall?"
"Huh? Why Kuya Dho? Nakakahiya kay Dom. Laging napopostpone 'tong lakad naming eh."
