Epilogo

4.8K 94 17
                                    

A/N: Medyo mahaba. Bow.


--


"Hi Daniel. Long time no see?"



"Ella."



"I miss you. I miss us."



Sabay lapit sa'kin ni Ella at mahigpit na ipinulupot sa bewang ko ang mga braso niya. Agad ko rin namang inalis iyon.



"You don't miss me? I miss you so much. You've been avoiding me for 7 fcking months DJ!"



"Ella. We're done. Remember? Atsaka I have Kath. Three years na kami."



"Huh. You can fool everyone but not me DJ. I know your dirty little secret."



Natigilan ako sa sinabi Ella. Muli niya akong niyakap at inilapat niya ang pisnge niya sa dibdib ko. Hindi ko siya pinigilan pero hindi ko rin naman siya niyakap pabalik.



"Let's make us work DJ. It's been three years. Pinagtitiisan mo pa rin si Kathryn?"



"C'mon Ella. Hindi pwede. I can't leave Kathryn." I won't leave her and I don't know what will I do if she'll leave me.



"Ilang taon ka pang magtitiis sa mga inuutos sayo? DJ! We could have happened kung hindi lang nangyari yan!"



Kung 'yun na lang tanging paraan para makasama ko siya sa bawat oras. Kung 'yun na lang ang pwede kong gawing dahilan para malapitan siya. Hindi ko titiisin, gusto ko ang ginagawa ko dahil ito na lang paraang nakikita ko para isipin kong gusto niya rin ako.



"Kaya ko pang magtiis. Kaya pa.."



May tumunog na phone. Pagtingin ko sa harap namin ay may nakatayong babae. Si Kath. Narinig niya kami ni Ella. Pero mali. Maling-mali ang narinig ni Kath. Akala niya'y pinaglalaruan ko siya. Akala niya'y naghihiganti ako sa kanya. Hindi Kath. Hindi.

Love Team ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon