"Hello Ma. Yes I'm on my way home. Call you later. I'm driving."
I dropped the phone down. I texted Ate Wheng to go to our house. We need to talk. We badly need to talk because I'm really hurting. Big time. Tama na yung 3 taon akong parang tangang naghihintay na mahalin niya ako. I need to kill this fcking emotion because if I won't, it would kill me.
DJ kept on calling but I ignored them. Ano na namang kasinungaling ang sasabihin niya? Traydor pa naman 'tong puso ko. Baka isang paliwanag lang ni Daniel bumigay na 'to eh.
Noong nakarating na ako sa bahay, tumigil na rin ang pagring ng phone ko. Naka sampung tawag lang siya. Mabilis. Mabilis talaga niya ako sinukuan. Magtataka ka pa ba Kathryn? Malamang hindi ka naman noon gusto para pag-aksayahan ka ng oras. Baka nga napipilitan lang yon tumawag sayo kasi kailangan ka niya. Revenge would not be complete without the subject and in his case, I am the subject.
Napabuntong-hininga na lang ako habang papasok sa bahay. Pagkarating ko sa living room ay nakita ko na sina Mama at Ate Wheng na nag-uusap and wait, bakit nandito na naman si Dom? Kapag pinapapunta ko si Ate Wheng sa bahay.
"Kath! Nandyan ka na pala? Ano bang sasabihin mo? I hope you don't mind na nandito si Dominic. Sa kanya kasi ako nakisakay papunta rito since bibisitahin ka raw niya talaga ngayon."
Binalingan ko si Dom matapos kong ngitian ng tipid si Ate Wheng.
"Ah, eh private sana 'to. Sorry Dom. I need to talk to Ate Wheng and Mama lang sana. You can wait if you want. I hope this talk wont take long."
"Willing to wait. Doon lang ako sa kitchen. Manggugulo kina Manang. Doon mo na lang rin ako puntahan after niyo mag-usap"
Nagpasalamat a okay Dom at inaya na sina Mama sa study room para makausap ko. Agad nila akong binigyan ng nagtatakang tingin. Marahil dahil biglaan ito at mukhang seryoso.
"Ma, Ate, I quit."
"Huh? Quit saan babygirl?"
"Quit saan anak?"
Sabay nilang tanong. Muli akong nagbuntung-hininga. Heto na Kath.
"Ayoko ng maging ka-love team si Daniel. Ayoko na siyang makasama. Ayoko na siyang makita. A-ayok-ko na Ma. Ay-yoko na Ate. Ang s-sak-kit na eh. Ang sakit n-na." Namalayan ko na lang na yakap na ako ni Mama at umiiyak na pala ako. Habang si Ate Wheng naman ay nakatingin lang sa akin.