Pagina Dieciseis

3.4K 66 8
                                    

A/N: Malapit ng matapos ang maikling istoryang ito. Asahan ang poot sa mga susunod na kabanata. Bow.

---

"Kath may guesting ka sa ASAP today pero si Diego ang kasama mong magpromote ng teleserye ok? May prod number kayo. Since na-brief na kami ni Mr. M regarding sa plano sa loveteam niyo ni DJ kayo muna ni Diego ang ipapakita sa screens. Get it?"



Napatango na lang ako sa sinabi ng Head Consultant ng ASAP. May magagawa pa ba ako? Kay Mr. M na nanggaling ang memo at alam kong walang makakabali non. Inuunti-unti na nilang sinasanay ang tao. Sinimulan na nila sa teleserye. Puro ang nasa gap na pinapalabas sa TV eh yung mga eksena na ang kasama ko ay si Diego Loyzaga, ka-love triangle namin sa teleserye. Ngayon naman ay sinisimulan na nila sa mga variety shows.



Alam kong napapansin na ito ng mga KathNiel fans. Nababasa ko ang mga tweets nila. "Kapit lang KathNiels." "Walang bibitaw KathNiels." "Byaheng Forever tayo diba KathNiels?" Ilan lamang sa mga katagang pinanghahawakan nila. Nasasaktan ako para sa kanila. Kung kaya nilang kumapit sa tambalan namin ni Daniel, kakapit din ako. Hindi ako susuko. Lalaban akong kasama sila.



"Kath. Ok ka lang ba? Pinapatawag na tayo for rehearsals. Hindi naman magagalit sa'kin si DJ diba?"



You don't have any idea Diego.



"Ok lang ako. Tara na."


---

From: DJ

11:11 AM Sunday

Kath, wag mo sana akong iwan.

-END-



Naguguluhan ako sa text ni DJ. Bakit naman niya nasabi 'to? Ang usapan nga namin ay kakausapin si Mr. M at bigyan muna kami ng oras na magkasama pa. Alam naman namin na walang forever na love team pero 'wag muna sana ngayon kami paghiwalayin. Ang on-screen KathNiel hindi yan forever pero ang off-screen KathNiel? Lifetime na yan.



"Kath! Sorry. Sorry. Sorry talaga!" Hinihingal na sabi ni Diego.



"Huh? Bakit naman? Ano bang nangyari?"



"Hindi ko alam na kinuhanan tayo ng picture ni Lydia, yung PA ko tapos pinost niya sa Instagram. Ayon trending tayo. Yung fans natin syempre natuwa pero yung fans niyo ni Daniel nagalit yata."



Agad kong tiningnan ang post na sinasabi ni Diego.



*insert photo here- Diego holding Kath's hips while she's in the air and staring with each other*

Love Team ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon