"Tol, tol si Ella dadaan!"
Pagkarinig ko sa sinabing yon ni Neil agad akong napatunghay sa pagkakayuko. Anong gagawin ko, dadaan si Ella? Magha-Hi ba ako o magkukunwaring di ko siya nakita? The latter came on my moves. Nakadaan na siya ng wala akong nagawa.
"Hina mo 'tol. Hahahaha!"
Si Ella. Ewan ko ba. Nung una ko siyang nakita parang everything went blur. If they call that love at first sight? Then maybe I'm in love. Pero natotorpe ako. Sabi nila pag Revilla matinik sa chicks. I don't know kung bakit hindi ko namana kahit man lang kalahati sa description na yon. Cause right now while looking at her, I can't stop falling but still I can't even make a word.
-
"DJ. Tumawag ang management. Pinapatawag kayo ni Kath sa office ni Mr. M.Siguro tungkol to sa viral photo niyo."
"Huh? Big deal agad sa Star Magic yon Kuya Dho? Picture lang yon at wala naman talagang kung ano samin ni Kath."
"Pumunta na lang tayo. Baka importante talaga at si Mr. M ang nagpatawg na mismo."
Habang papunta kami sa office ni Mr. M, sa di inaasahang pagkakataon ay nakasalubong namin si Ella. My eyes settled on her while she's walking gracefully down the hallway. Kinawayan niya ako at ningitian. Natulala akong parang baliw sa gitna ng hallway. Si Kuya Dho nauna ng maglakad. Nang makarating siya sa tapat ko ay may sinabi siyang nagpagulo sa takbo ng utak ko.
"Umasa ako. Akala ko. Nasayang."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Ibig sabihin ba 'non may gusto rin siya sakin? Pero bakit? Paano? Hindi ko maintindihan. Anong nasayang?
