Pagina Diecinueve

3.7K 75 16
                                    

"And cut! Good Take Kath!"



"Thanks Direk."



"Let's call it a day. Pack up na."



Kakatapos ko lang sa isang endorsement shoot. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 1:43PM pa lang. Aabot pa ako.



"Ate Smile! Nasaan si Sky?" Tanong ko kay Ate Smile, bago kong RM.



"Nasa dressing room mo. Natutulog sa sofabed doon. Takbo ba naman ng takbo. Ayan napagod. Dapat iniwan mo na lang muna sa Tatay eh."



"Ate Smile, di ba nga may surprise kami. Yung tatay niya nga ang pinag-ayos ko sa lahat!" Sabay tawa ko habang papunta sa dressing room. Pagpasok na pagpasok ko ay bumungad sa akin ang maamong mukha ng anak ko. Agad ko siyang nilapitan.



"Hay nako Sky. Manang-mana ka sa tatay mo. Napakakulit. Wala ka man lang bang namana sa'kin ha? Grabe baby, mag-aanim na taon ka na pala at magwawalong taon na rin pala buhat nung araw na 'yon."



Bahagya kong pinahid ang luhang nangilid sa aking mata. Hinaplos-haplos ko ang pisnge niya pero hindi pa rin siya nagising. Tumayo na ako at nagbihis. Inayos ko na rin ang mga gamit namin at lumabas na ng kwarto nang buhat ko si Sky.



"Ate Smile, alis na ako ha. Pakisabi na lang din kina Direk. Kanina pa ako tinatawagan nitong tatay ng anak ko eh. Di mapakali. Hahaha."



"Sige. Sige. Mamaya naman eh diretso na kami sa party ni Sky. Ingat kayong mag-ina."



Inilagay ko na si Sky sa backseat at nilagyan ng seatbelt. Pagkasakay na pagkasakay ko pa lang sa driver's seat ay tumunog agad ang phone ko. Grabe.



"Yes, Dom. Papunta na kami. My God kakatapos lang ng shoot ko. Lahat ba ng bisita nandyan na? Heto pa nga ang may birthday eh. Ang nagger niyo grabe. HAHAHA."



"Syempre. Ok na lahat dito sa venue. Yung nanay at celebrator na lang wala."



"Ang alam ko kasi 2:30 pa ang start ng party. 2PM pa lang sa orasan ko. We still have 30 minutes and the celebrator always have the grandest entrance."

Love Team ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon