"Kath! Saan ka ba galing? Malapit na segment mo umalis ka pa! Ano ka ba namang bata ka?! Hala sige pumunta ka na sa dressing room mo at aayusan ka pa nina Justine doon!"
Galit na sigaw sa akin ni Ate Wheng. Buti hindi niya nahalata na galing ako sa iyak. Pakiramdam ko'y mugto ang mata ko at gusto na lang pumikit. Pero may production number pa kami ni Diego at hindi ko alam kung magagawa ko ng ayos 'yon sa kalagayan ko ngayon.
Pag upo ko ay agad akong inayusan. Tinatanong pa ako ni Justine kung umayak raw ba ako? Sabi ko nalang ay hindi at puyat lang ako kagabi. Matapos akong ayusan ng mabilisan ay pinapunta na ako sa backstage kung saan naghihintay na si Diego. Agad niya akong nilapitan at giniya papunta sa may LED.
--
Tapos na ang prod naming ni Diego. Mukhang natuwa naman ang audience base sa reaksyon nila ng matapos ang sayaw naming ni Diego. Ang dami ko ngang mali buti at natakpan ni Diego yon. Mahirap magconcentrate lalo pa't gulong gulo ang utak ko.
"Ayos ka lang ba Kath?"
"Huh? Ano. Come again Diego?"
"Ok you're not fine no need to answer my question. You're too obvious. Kanina ka pa nagse-space out. What happened? You know you can talk to me."
His voice is so soft na wala akong nagawa at napayakap na lang ako sa kanya at umiyak. Iniupo niya ako at hinagod ang likod ko. Nasa may dressing room naming kami at siguro'y walang makakakita. Ang sakit na kasi na hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay.
"C'mon Kath. Stop crying. You can tell me if you're ready."
"I just need someone right now. Be my someone Diego. Masakit na kasi eh."
I was like crying for 30 minutes in Diego's shoulder before calming my self. Pinasalamatan ko siya bago ko inayos ang sarili ko at nagpaalam na aalis na. Wala na akong next gaps at commitments after nung prod namin so I decided to go home. Dala ko naman yung kotse ko kaya itetext ko na lang si Ate Wheng.
Iniisip ko kung nandoon pa rin si DJ sa first floor. Nagkaayos na ba sila ni Ella? Hindi niya ako tinetext the whole morning. Baka makikipagbreak na siya. Masakit malaman na niloko ako ng tanong pinakapinagkatiwalaan ko. Sa loob ba talaga ng tatlong taon puro galit ang naramdaman niya sakin? Pinunasan ko ang pisngi ko ng maramdaman kong naluha na naman ako.