Pagina Cinco

3.4K 73 13
                                    

Pack-up na guys! Finally. Inabot na tayo ng alas-4 ng umaga. Oh ang call time later ha? 4PM. Kath and Daniel ayaw ko ng late ok? Go na. Take your time resting.”

 

“Yes Direk.” Sabay naming sabi ni Daniel.

Obviously inabot na kami ng umaga sa shooting for our teleserye. Nakakapagod hindi lang yung trabaho pati yung lecheng pagpapanggap na to. Tatlong taon. Tatlong taon na kaming kunwaring M.U nitong si Daniel. Tatlong taon na rin siyang cold at irritated palagi sa akin. Tatlong taon na rin mula nung marinig ko yung mga binitawan niyang mga salita. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa utak ko. Ang galling lang ni Daniel. Kaya niyang maging sweet at caring sa public pero pag kaming dalawa na lang opposite feelings ang pinaparamdam niya. Ang galing diba? Clap clap para sa kanya.

“Daniel. Kunwari ihahatid mo si Kath sa bahay nila. Maraming nagset visit na fansclub. Kailangang magpabango kayo sa kanila.” Bulong ni Kuya Dho. Bukod kasi sa partido ni Daniel at sa partido ko, walang nakakaalam na fake lang kami. (Maliban na lang sa mga flings ni Daniel)  Kahit sina Direk at ang buong staff ng show ang alam gusto namin ang isa’t isa. Ang galing namin. Hay.

“Ha? Eh ang layo ng bahay niyang babaeng yan sa bahay namin. Pag nagkataon iikot pa ako! Ayoko Kuya Dho! Ihahatid ko na lang siya sa van niya. Makikita pa rin naman yon ng fans.”

“Isa Daniel! Sa tingin mo alin ang mas sweet doon sa dalawa sitwasyon? Diba yung ihahatid sa bahay?! Ano ka ba naming bata ka. Tatlong taon na natin to ginagawa. Di ka pa ba sanay?!”

 

 

 

Ako? Nakikinig lang ako sa kanila at nakatitig. Wala naman akong magagawa eh. Laro lang to. At sa larong to kami ni Daniel yung puppets.

“Oo na! Oo na! Kainis! Magkikita dapat kami ni Liza eh. Psh.”

 

 

 

Yeah. You read it right. Flavor of the month si Liza ni Daniel ngayon. Pero malay natin months pala diba? Last month si Julia Barretto ang fling niyan. Alam ng mga babaeng yan yung tungkol sa amin ni Daniel pero kapag nagsalita sila about don tanggal na sila sa Star Magic. Ganoon kalupit ang showbiz.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpaalam kay Mama na kay Daniel ako sasabay. Alam naman na ni Mama yung reason so no need for long talks. Nilapitan ko na si Daniel na nakabusangot sa may pinto sa may tent.

“Tara na.” Tipid niyang sabi. Dinala rin niya yung mga gamit koat hinawakan yung kamay ko papunta sa kotse niya. Kung saan maraming fans ang nag-aabang kasabay ng mga flash ng camera.

Love Team ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon