“Okay guys! Let’s welcome the hottest and most in demand love team of their generation, Kathryn Romualdo and Daniel Revilla or simply KathNiel!”
Tinatawag na kami ni Ms. Toni para sa Live interview ng The Buzz. May movie promotion kasi kami ngayon. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Tahimik kong sinasabi ang dasal ko habang naglalakad kami ni Daniel papuntang stage nang bigla niyang hawakan yung kamay ko. Tiningnan ko siya ng parang nagtatanong sabay pilit na inaalis yung kamay ko sa hawak niya.
“Huwag ka ng mag-inarte dyan Kath. Promotion to. Iisipin nila may something talaga tayo. Psh.”
Bumuntong-hininga ako at hinayaan na lang si Daniel sa gusto niya. Sikat ang love team namin ni Daniel. Halos trending kami lagi sa social networking sites dahil sa dami ng fans namin. Sold-out at jampacked mga mall tours namin. Binigyan na nga nila kami ng title na Teen Royalties. Dahil siguro doon kaya ganito si Daniel. Gusto niya ma-maintain yung akala ng tao sa amin.
Pumasok na kami sa loob ng stage. Nakakabingi ang ingay sa studio galling sa hiyawan ng fans. Mas hinigpitan ni Daniel ang hawak sa akin sabay alalay pa. Umupo na kaming magkatabi sa harap ni Ms. Toni.
Kaya pala. Alam ko na kung bakit ako kinakabahan ngayon. Dahil alam kong sa mga gagawin ni Daniel at sa mga sasabihin niya,
mahuhulog na naman ako.
Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance of characters to actual persons, living or dead is purely coincidental. The Author holds exclusive rights to this work. Unauthorized duplication is prohibited.
PS: Not everything written had happened between the characters involved. Some may be a basis while some are purely fictional. Thank you.