Chapter 18

203 20 9
                                    

Ayoko sanang gawing bigdeal ang lahat pero alam mo yung parang rollercoaster?

After ng mga ganap namin ni Donny ay bigla nalang syang nagbago. Hindi ko alam kung kailan pero basta hindi na sya masyado nagpapakita, hindi na din ganong nagpaparamdam.

Iniisip ko nga, tapos na ba sya sakin?

Kaya may ka imissyou-han na sya?

Sana nagpaalam naman sya ng maayos kasi parang naiwanan ako sa ere. Nilipad nya ako tapos iniwan sa taas.

Nakakainis sya!

Naaalala ko nung tuesday, nagkita kami nila Kisses and Vivoree, tinanong nila ako kung kami pa daw ba ni Donny? Umoo naman ako.

"Nako bes, wag ka masyadong maging kampante." si Vivoree.

Doon palang ay kinutuban na ako.

Si Kisses naman ay malungkot lang na nakatingin saakin.

Hindi na ako nagsalita pero ang Kisses na ang bumanat.

"We saw Donny with another girl."

Medyo dumoble ang kaba at may gumuhit na sakit sa dibdib ko.

Actually, nararamdaman ko naman na. Naiisip isip ko na din minsan pero alam mo yun? Ngayong kumpirmado na, masakit pa din pala.

Tama naman, wala naman talagang totoong kami. Pero ang sakit lang masanay tapos biglang magbabago.

Sana pala, tinuloy ko na nung nakaraan yung paglayo. Ako pa tuloy ngayon yung ganto, yung mukhang kawawa.

Sana manlang, sinabihan nya ako na tapos na sya paglaruan ako.

Pinakita pa nga ni Kisses ang pictures nung dalawa at inaalalayan ni Donny ang babae.

Side view at likod lang ni Donny ang nakikita pero kumpirmado na sya yon.

Kahit nga ata daliri lang non, alam kong sya yon.

Hindi ako makatulog ngayon. Umiiyak ako. At naiinis ako kasi umiiyak ako.

Iba yung sakit ngayon.

Parang mas masakit kaysa nung kay Edward.

Tatlong araw na akong nawawala sa focus. Paminsan ay nagtetext pa din si Donny pero hindi ko na ito ineentertain.

Nagpalit na din ako ng simcard tulad ng sabi ni Kisses.

"Okay ka lang?"

Si Aljon na nagaayos ng motor ang sumingit.

"Ilang araw ka ng matamlay ah."

Tumango ako at medyo ngumiti.

"Ilang araw ko na din di nakikita yung jowa mo ah."

Hindi ako umimik.

Inilagay nito ang helmet nito sakin.

"Tara na, sabay ka na sakin umuwi."

9:30 na pero hindi ko pa talaga feel umuwi, kaya tinanggal ko ang helmet nito sakin.

"Mauna ka na umuwi."

Hindi nito inabot ang helmet na binibigay ko.

Nakatingin lang ito sakin.

"Samahan kita kumain?"

-

"Actually ilang araw na namin napapansin."

Kumakain kami ngayon dito sa jollibee na malapit.

Para akong gutom na gutom lage. Stress eating ganon.

Hindi ko kasi alam ang sagot. Well, may kutob nako dati pa pero gusto ko manggaling mismo sakanya ang paliwanag. Yun nga lang, talagang wala akong napapala kay Donny.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon