Chapter 20

263 23 9
                                    

"Nabalik mo na sakanya?" si Kisses na katawagan ko sa phone.

"Oo bes."

Nakahiga ako ngayon sa kwarto, day off ko ngayon.

"My Gosh, bakit napakarude nya sayo?" pagmamaktol ni Kisses.

"Hindi ko nga alam e, bigla nalang syang sumulpot."

Diyos ko, mabuti nga at dalawang araw ay maayos na ulit at hindi na sila pumupunta sa store ni ma'am Ellaine.

Nagkwento sakin si Kisses about sa fam nya na talaga namang bumawi sakanila. Nagkakaproblema daw pero talaga namang maayos na.

Nalalapit na din yung pasukan kaya naman nagaayos ayos na din ako. Medyo nakaipon na din naman ako pambayad sa school.

-

"Hindi ko na nakikita jowa mo ah. Break na kayo?" si Andrea na nakahalukipkip at nakataas ang kilay.

Naglalaba ako ngayon ng uniform dito sa poso.

"Sus, sino ba naman kasi ang tatagal sayo?" dagdag nito.

Natawa ito bago ako iwanan.

Minsan naiisip ko din naman talaga yung sinabi nya sakin.

Hindi naman ako mayaman, hindi ako maganda, at wala talaga akong maipagmamalaki.

Talo na naman ako sa pag ibig ngayon.

Mabuti nalang talaga at busy ako sa trabaho dahil kung hindi ay nagmumukmok  nalang siguro ako sa bahay.

-

"Tikman nyo nga kung okay lang ba."

Nasa kitchen kami ngayon at nagbake ng cake si sir Joao. Ilang araw din syang hindi nagpakita sa store kaya naman kumportable ang buhay ko.

Hindi ko kasi alam bakit may something na hindi ako nakakilos kapag andyan sya. Para bang lagi akong nagkakamali kasi nabobother ako sa presensya nya.

"Sarap sir!!"

Si ma'am Andy ang nagsalita.

Sabay sabay kasi silang tumikim.

Tumatango tango pa ang iba.

"Sakto lang sa tamis, sir." sabi ng mga senior staffs.

Nagawi sakin ang tingin ni sir Joao at biglang nawala ang ngiti. Kumalabog ang puso ko dahil sa mukhang nabadtrip sya sa mukha ko.

"Why dont you try?" maanghang na sabi nito.

Ngumiti lang ako pero kinuha ko naman ang ginamit na fork ni sir Crismar para sana tikman din.

Bago ko palang maslice ay kinuha niya ito sakin at pinalitan ng hawak nyang maliit na tinidor.

Wala namang sinabi pang iba ito ngunit mas kinabahan ako dahilan ng hindi ko pagpansin sa reaksyon ng mga kasama ko.

"Anong lasa? May kulang ba?"

Ninanamnam kong mabuti dahil halatang naghihintay ito ng reaksyon ko.

"Okay lang ba?" parang hindi mapakaling sabi ni sir Joao.

Ngumiti ako saka ko sinabing masarap ito. Totoong masarap talaga lalo at mahilig talaga ako sa chocolates.

Bumuka ang ngiti sa labi ni sir Joao.

Para bang nanalo sya sa isang kumpetisyon.

Bumalik na ako sa station ko dahil may mga dumating na costumer.

Break ko kaya lumabas muna ako para bumili ng softdrinks sa labas. 30 mins pa kase kakatapos ko lang kumain.

Umupo lang ako don sa may bandang exit sa may crew room.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon