Chapter 22

445 24 13
                                    

Maganda ang ngiti sakin ni Kisses at Vivoree ng makita akong bumaba sa gray na kotse.

Maguumpisa na naman ang semester pero parang wala na akong gana pumasok.

"Mukhang may hindi nagkkwento no, Viv?" parinig ni Kisses. "Parang hindi tayo friends."

"Kaya nga." tampong sagot nito.

"Tuhruy, mukhang si Mr. Jacket ang naghatid. Ano kaya meron?" dagdag ni Kisses.

"Nung nakaraan nagmumukmok dahil wasak ang puso nya. Ngayon may taga hatid pa."

Napailing nalang ako sa dalawang ito.

"Mali kayo ng iniisip okay? Nadaanan lang nya ako at isinabay."

Totoo naman, nakita ko lang sya sa may malapit sa kanto namin. Ang sabi nya may kameet up daw sya doon ng alas sais ng umaga. Mukhang totoo naman kasi may dala dala syang aso.

"Wehhh, di kami naniniwala."

Knwento ko nga ang tungkol sa asong nakita ko sa sasakyan nya kaya naman naniwala na din ang dalawa.

May iilang tingin akong napapansin sa paligid pero hindi ko nalang pinapansin. Alam kong alam na din ng karamihan na hindi kami okay ni Donny dahil visible naman na nakakasama nya yung Belle sa social media.

Maganda ang babae. Malayong malayo saakin.

Ilang araw ko ding iniyak dahil wala akong panlaban manlang sa babae. Hindi ko mapigilan ikumpara ang sarili ko dito.

Nagsimula ang klase namin at may iilang nagtatanong na nga ng tungkol kay Donny pero nanatili akong tikom. Ayoko ng issue. Gusto ko nalang mag aral dahil kailangan kong makatapos para sa pamilya ko.

Iyon naman talaga ang dapat kong gawin dahil ayoko na maalipusta ang pamilya ko.

Mababait ang bagong prof namin, yung dalawa lang ang mukhang istrikto pero pa minsan naman ay nagpapatawa din.

Magaan pa lahat sa klase. Wala pang masyadong ginagawa.

Nung free ang time ay nagaya magmcdo si Kisses. Tamang kain lang dahil may pera naman ako.

Mabigat ang puso ko dahil may alinlangan na baka makasalubong ko si Donny. Yon ang pinakaayokong mangyare.

Ayoko na munang makita sya dahil napapansin ko na lalo ko pa din syang minamahal kahit di kami naguusap. Kung maipapakulam ko lang ang sarili ko dahil don ay gagawin ko na.

Habang kumakain ako ay tumunog ang phone ko.

Akala ko naman ay importante dahil hindi naman na ako masyadong gumagamit nito dahil iwas din ako sa lahat ng pwede kong makita at malaman.

'Lunch nako, ikaw?' -Joao

Napataas ang kilay ko.

Kanina sa sasakyan ay kinuha nito ang number ko at tumawag sakin para masave ko din ang number nya.

"E ano? Bat naguupdate?" bulong ko.

Pero nagreply naman ako.

M:'Eto kumakain na din sir.'
J: 'Duty ka ba mamaya? Pag oo, uwian moko proben.'
M: 'Magkano?'
J: '60.'

Natatawa ako kasi kumakain na din sya ng mga gusto ko. Iilang araw palang syang sumasama sakin pero naiimpluwensyahan ko na sya.

Oo, magduty ako mamaya.

Magreresign na sana ako kasi syempre magaaral ako. Hindi naman 24/7 ang oras ng café. Pero dahil may uwian ako minsan na 2pm, walang pasok ng weekends ay pinayagan ako nila ma'am na magduty ng ganon.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon