Chapter 31

235 20 2
                                    

Tatlong araw akong hindi nakapasok dahil sa taas ng lagnat ko.

Mabuti nalang din at palagi akong dinadalan ni Kisses ng lectures at inexcuse pa nya ako. Ayaw nyang mawala ang pinaghihirapan kong grades.

Hindi ako humahawak ng phone at ayoko na ding mastress.

Hindi ko na kinaya nung nakakaraan kaya naman nandito ko ngayon sa hospital.

"Nak, okay na ba pakiramdam mo?"

Tumango ako.

Overfatigue at dehydrated ako. Namayat tuloy ako lalo.

Magroround na ngayon ang doctor at magpapakitang gilas na naman ako para makalabas dito.

Nahihiya na ako sa mommy ni Kisses kasi gusto nitong sagutin ang hospital bill ko pero hindi ako pumayag. Yun nga lang, mukhang nagkasundo sila na kalahati ng bill ang bibigay nito.

Nahihiya ako pero wag na daw akong makipagtalo. Sa totoo lang wala naman dapat bayad ang pagaalaga ko kay Kisses. Mahal ko talaga ang kaibigan ko.

Umalis muna si nanay kaya naman chinika ako ni Kisses.

"Bes alam mo bang ilang araw na nangungulit si Donny? Ayaw ako tigilan!" stressed na sabi nya.

Napalaki ang mata nito ng marealize na nagbanggit sya ng pangalan ng mokong.

Sa totoo lang, alam ko namang ayaw nila akong masyadong magisip. Ayaw ko din malaman ng dalawa na nasa hospital ako.

Nagleave ako sa trabaho pero di ko sinabing nasa ospital ako. Baka kasi pag nalaman ni sir Joao, dito na yon maglalagi. Ganon din si Donny. At kung ganon e baka dito pa sila makipagtalo sa isat isa. Lalo lang akong tumagal sa ospital.

Binigyan ako ni Kisses ng dala nyang pocari sweat. Nilagyan nya ng kaunting yelo ang baso at nilagyan din ng laman.

Hindi ko kasi iyon naiinom ng hindi malamig.

"Nakita ko si Belle dito kanina."

Napatingin ako kay Kisses.

"Kausap nya yung doctor mo."

Naalala ko ang sinabi sakin ni Donny. Sa totoo lang hindi ako ganong naniniwala. Ewan ko ba sakin, siguro ay kulang lang din sa paliwanag si Donny.

"Kisses."

Inaayos nito ang mga gamit ko pero nang makita nya akong seryoso ay umupo sya sa may tabi ko.

"Nagusap kami ni Donny."

Ang kaninang curious na mata nito ay ngayon ay nagkabuhay.

Tumango ito at naghihintay ng susunod na sasabihin ko.

"Sabi nya, kaya sya nawala ay dahil sa problema ni Belle."

Wala pa din itong imik.

"Nakikita ko naman sa mata nya yung totoo, pero yung utak ko ayaw maniwala talaga."

"Trust issues?"

Natawa lang ako.

Sa pagkakatanda ko sa paliwanag ni Donny ay mayrong malalang sakit ang mama ni Belle at kakalipat lang nila dito simula ng mamatay ang daddy ni Belle. So sa village nila Donny malapit ang bahay nila Belle at dahil wala namang kamag anak sila Belle dito ay sila Donny ang nalapitan nito. Knowing sa Dad ni Donny na public servant ay hindi tatanggi yon sa mga ganyan, at sa bait din ng mommy nito.

Dahil nga alam nila na may past yung dalawa ay si Donny ang talagang tumutulong sa magina. Sya ang kasa kasama sa paglalakad ng mga kailangan. At sa sobrang down ay nadepress na din si Belle.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon