Chapter 21

226 22 6
                                    

Nakapila ako ngayon dito sa school. Need ko kasi ibigay itong promissory note ko at magbabayad ako ng kalahati ng tuition ko.

Hindi pa talaga ako ready at baka mamaya ay makita bigla ng di inaasahan ang mga taong iniiwasan ko.. At isa pa, tulad nito, may naririnig akong ilang babae na nagsasalita at tinuturo ako.

"Ayan yung girlfriend ni Donny diba?"

Oo siz, hinaan nyo pa ng kaunti.

Hindi ako jowa ng Donny nyo, okay?

Haggard na haggard ako ng makatapos akong makapagbayad sa cashier. Hindi din ako nasamahan ngayon nila Kisses dahil nasa bataan sila ngayong family.

Bumili lang ako ng pagkain ko sa paborito kong kinakainan sa university. May iilan akong kakilalang nakakabatian.

Gutom na gutom ako kaya naman kahit mainit pa yung kanin ay naubos ko kaagad.

Alas tres ang duty ko pero mukhang hindi na ako aabot kaya naman nagtext na ako na baka malate ako ng in.

Sa paglabas ko ay napahinto ako ng may lalaking malaki ang ngiti ang humarang saakin, ngunit mapapansin mo na malungkot ang mga mata nito.

"Nagpalit ka na ba ng number? Hindi kita matawagan."

Mapait akong ngumisi at tinalikuran sya.

Wow, Donny ha. Wow.

Pagkatapos moko iwanan sa ere, ganyan pa papakita mo sakin ngayon?

Di ka pa ba tapos manakit?

Malakas ang kalabog ng puso ko.

"Da-le, wait." matindi ang kapit nito sa braso kong kinuha nya.

"Hindi pa ba tapos yung laro mo?" halos mapiyok ako nang sabihin ito.

Ayoko sana umiyak sa mga public places kaya naman pinipilit kong ayusin ang sarili ko.

Hindi ko talaga alam paano at saan ako magsisimulang magsalita sa oras na ito.

Alam ko namang maaaring magkita kami pero hindi pa din handa ang puso ko.

Hinila nya ako sa sulok at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko alam pero sobrang gustung gusto ko ng yakap na iyon. Para bang hinahanap hanap ko yon matagal na. Para bang natunaw na naman ang ginawa kong pader sa puso ko pagdating sakanya.

"I miss you so much, Da-le." bulong nito.

Bigla ko lang naisip na heto na naman ako. Tatanga tanga na naman.

Hindi na naman magawang makapagisip ng maayos.

"Nandito tayo kaya naglalaro ka na naman, diba?"

Hindi ako nakatingin sa mga mata niya.

"Da-le."

Bago pa man nya mahawakan ang mukha ko ay hinawakan ko na ang braso nya para pigilan.

"Donny, bakit?"

Gustung gusto na lumabas ng kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Putek, miss na miss ko talaga sya.

Yung amoy nya, yung mata nya, yung ilong, yung mukha nya, yung tingin nya, yung pangaasar nya. Lahat, miss na miss ko.

Bumuka ang bibig nya ngunit itinikom din kaagad. Para bang may gusto syang sabihin pero pinigilan din kaagad.

"Im sorry."

Sa paghihintay ko, iyon lang ang tanging narinig ko.

"Im sorry Da-le."

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon