Chapter 8

220 19 3
                                    

"Ayun nga, narinig ko nalang na magkausap sila mommy and daddy kagabi." medyo masaya ang boses ni Kisses habang kinukwento niya ito.

"Galit ako sa daddy e. Pero sana maging okay na ang lahat."

Nakayakap sa braso ko si Kisses habang kumakain kami ng proben.

"Yup, magiging okay din ang lahat."

Kakatapos lang namin magsimba ni Kisses kaya naman nagaya ako dito sa paborito kong binibilhan ng proben at buko Juice.

Hinarap ako nito ng may ngiti sa labi.

"Pero di pa rin ako makamove-on sa nalaman ko. Alam mo may feeling na ako e. Nakita namin kayo noon, nung hinahanap ko si Edward, remember?"

Natatandaan ko na.

"Alam mo, sorry ha? Tutal nagsabi naman na kami sayo dati. Si Vivoree ang nagsasabi sakin noon. Actually dati pa. Naghinala lang talaga ako nung pareho kayong wala ni Edward."

Natatandaan ko 'yun, yun yung pinag grocery ako ni Donny ng napakarami at iniwanan.

Natatandaan ko nga din na nabanggit nya na kailangan kong magpasalamat sakanya kasi niligtas nya ako.

"Tapos nawala nalang bigla ang kaba ko nung nakita kitang kasama ni Donny. Halong kaba talaga ang nararamdaman ko non at takot."

Natawa ito.

"Yun, nagtawanan nalang kami ni Vivoree kasi mali nga yun naiisip namin...tapos ayan na naman, may mga iba pa akong nakikita at naririnig pero binabalewala ko lang. Syempre babae tayo, panay hinala."

Ngumiti nalang ako. Im sorry Kisses.

"Pasensya na talaga, pero hindi ko ineexpect.. well medyo pero hindi ko alam paano! Ikwento mo naman paano kayo nagkakilala."

Umayos ito ng upo at humarap saakin.

"Ang weird lang kasi." medyo napaisip ito. "Pero one time, paalis ka sa bahay tapos papasok sila kuya, naitanong ka sakin ni Donny.. hindi lang isang beses eh."

What? Feeling ko dahil nga may alam si Donny.

Yun nga lang ay nagpapasalamat na din ako na hindi sya ang taong naglalag saakin.

"Ano ka ba naman dzai, medyo nahihiya kasi ako.. saka nalang ako magkwento."

Ngumuso ito.

"Sige na nga! Ang lihim mo talaga!" ngumiti ito. "Pero bakit mo kailangan itago? Ang daming nagkakagusto kay Donny pero ikaw ganyan ka?"

Kung alam mo lang na halimaw yun.

--

"Dami kong missedcall, bat di ka sumasagot?"

"Bakit ko naman sasagutin?"

Kahit nasa telepono ay alam kong nakangisi ito ngayon.

"Why not? I am your boyfriend."

"Lul, iba nalang pagtripan mo. Dami pa akong ginagawa."

Pagtapos magsimba ay naglalabada ako dito kila lola. Ang dami na naman kasi, at ayoko ng matambakan.

Magagalit na naman yun sakin.

Mabuti nalang ay tinulungan ako ng ate Lovely at ate Kakai ko.

"May baon ka naman ba sa monday, May?" si ate Kakai.

Ngumiti lang ako habang nagkukusot ng bistida ni lola Ising. Alam ko wala na talaga akong natitirang ipon dahil may binayaran din sa school.

"Yang si Maymay, hindi nagsasabi talaga ate." si ate Lovely.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon